Showing posts with label travel journal. Show all posts
Showing posts with label travel journal. Show all posts

September 21, 2012

the one with cintai, cafe and rain

My first week of September is HELL. I was so busy with the reports and presentation. Good thing Liz asked me to go with her and Alvin in their food tasting in Bauan, Batangas. They ar getting married this December and I am pretty much involved in their wedding preparations. Well, I am also the Maid of Honor so go figure.

I said no at first to that day of food, thinking I will be needing that one day for my requirements but I gave up. I told myself: Wala ka rin namang maiisip kung pagod na ang isip mo..

Next thing I know I was sitting in a cafe in Lipa City waiting for the couple to arrive..

No it is not Cafe de Lipa..



Candlelight Cafe
KM 77 Laurel Highway, Barangay Maraouy Lipa City
Website: http://www.thecandlelightcafe.com/

Just in front of Alvin's home in Lipa

August 21, 2012

the one with remembering... beijing

This was one unexpected trip. Beijing caught me by surprise.

Date: November 26 - 29 2009
Place: Beijing, CHINA <3
With love birds Leizel (Liz) and Alvin

Local Feet and my new friend, Wendy

We spent almost 5 days (help on this one Liz J) in Beijing. My FIRST EVER Asian trip.J

We flew to Beijing via China Southern Airlines. Liz and Alvin used their "miles" kaya sa China Southern ang lipad. Ayaw ko naman humiwalay sa kanila so I purchased a flight with them. Nung mga panahon na to wala pang Beijing flight ang Cebu Pacific (yes wala pa..) at yung Phil Airlines flight sched naman ay hindi sasakto ata sa araw ng bakasyon namin. Kaya gorah kami sa China Southern...

It was a 4 hour flight Manila to Xiamen then Xiamen to Beijing. Sa boarding area palang namin sa NAIA e feel na feel na namin ang China experience dahil kami lang ata ang hindi Chinese sa flight na yun! Haha. 

Isa sa mga hindi ko makakalimutan na travel experiences ay ang lagi kong pagkakaharang sa immigration. Lagi na lang akong may ganyang eksena kapag sa international flights. I remember, ang unang international flight ko ay nung pumunta ako ng Libya. Hindi maniwala ung Libyan Immigration officer na legal ang visa ko (considering isa sa mga kilalang kumpanya ang nagbigay sa akin ng visa at may arabic translation naman ito..) Ito namang papunta namin ng Beijing, naharang ako sa Xiamen Immigration dahil may sinat daw ako. Ito yung mga panahong  may Ah1N1 outbreak. Malamang mag-iiba ang temperature ko dahil ang panahon sa China ng November e super lamig na. Hindi na kami nakapaglibot sa Xiamen Airport dahil natagalan ang pagtingin sa akin ng mga medical officers at pinipilit na masama ang pakiramdam ko. Hanggang sumuko sila na hindi nila mapatunayan na maysakit ako. Buti na lang, pagdating ko ng Beijing tsaka natuloy ang sakit ko! One close call J

THE ITINERARY
Hindi ko maalala kung nasunod nga ba ang lahat ng nandito pero ito ang aming final itinerary bago kami umalis ng:


Thursday, November 26, 2009

Tour D3: Night Cluture Stage - "Chinese Acrobatic Show " - RMB220     
Be met by your guide and driver at your hotel in the evening- Acrobatic Show Viewing (7:10pm-8:30pm)- Drop-off service at your hotel and end today trip. 

Friday, November 27, 2009

Tour B4:  Full Day City Tour -"Extension of Beijing Historical Sites " - RMB260
  • Ancient City Wall Ruins Sightseeing (40 minutes)
  • Tibetan Lama Temple Sightseeing ( 1 hour)
  • Confucius Temple Sightseeing (30 minutes)
  • Lunch at local restaurant
  • Beijing Panda Garden(30 minutes)
  • Capital Museum (2 hours)
  • Beijing Silk Carpet factory(30 minutes)
Saturday, November 28, 2009

Tour A1: Great Wall Day Tour- “ Majestic Badaling” - RMB160
  • Ming Tombs Sightseeing (1hour)
  • Lunch at Jade Art Restaurant (1hour)
  • Great Wall at Badaling Sightseeing (2 hours)
  • Outer-view Olympic Stadium & Silk Store(30 minutes)
Sunday, November 29, 2009
  • Mass
  • Lunch
  • Tiananmen Square
  • Forbidden City
  • Summer Palace
  • Shopping (night)


O diba meron pang mga presyo? Haha..

THE PLACES

August 05, 2012

the one with thoughts behind bars

Sobrang marami akong dapat gawin pero hindi ko palalagpasin ang isang ito.

Madalas kong sabihin na Learning New Things is my PASSION. Oh, walang basagan. Kanya kanyang passion lang yan. Siguro dahil gustong gusto ko ang nakakarating kung saan saan; dahil gusto kong maging isang traveler. 

Yung pagpapanggap ko na traveler, nadadala ko tuloy sa aking Graduate Studies (ano ba, yung point nga lang na dumayo pa ng Los Banos para mag-aral, isang ebidensya ng pagkakaroon ko ng makating paa.. hehehe.. J) Naisip ko tuloy hindi kailangan sa mga tourist destinations lang nakakarating ang traveler. Sa kung saan may pagkatuto, nandoon ang traveler? Watchutink? J


Sabi nga ni Aya, best in field trip daw kami. True enough. Sa apat na semestre ko sa eLBi, bawat sem meron akong bagong lugar na napupuntahan. Unang sem bongga lang dahil nakarating ako sa Kasetsart University sa Bangkok (will post pictures of that trip soon), second sem nakarating din ako sa Batasang Pambansa Complex (libre naman ang pumasok sa loob ng session hall), third semester sa loob ng Makati City Hall (although, pwede naman talaga pumunta sa lugar na ito kahit hindi field trip. Marami kasi akong natutunan sa araw na yun kaya counted na sya sa bagong lugar)

At sa aking 4th and last (course work) sem, nakarating naman ako sa New Bilibid Prison..

Source
No, hindi dito.

July 24, 2012

the one with remembering... sagada

***Sa pagpapatuloy ng aking travel journal, naisama (kunwari total experience ang bawat journal entry ko) ko na kayo sa Ilocos Norte (Paoay at Batac, Laoag, Burgos, Bangui at Pagudpud) Ilocos Sur (Sta Maria). I may have a entry about Baguio but it was more of how I miss the place and not highlighting the city's bonggang spots.


Date: May 15 - 18, 2008 (or so I think)
Place: Sagada, Mt Province
With co-Elmos (shocks ang corny..) Jerry and Melannie


May 15 ng umaga kami umalis ng Baguio at nakarating ng hapon or pagabi ng Sagada at umalis ng May 18 late morning nakaalis ng Sagada at late afternoon na nakarating ng Baguio. In short, dalawang araw lang talaga ako sa Sagada.J

Jerry was our tour guide. Kahit sa Baguio na lumaki si Jerry, tubong Sagada talaga ang pamilya niya. Naalala ko, Jerry stayed at their old house while me and Mel stayed at her Tita's house in Sagada Homestay. Nakakasalubong pa nga namin sa aming paggagala ang Lola nya. J

Dahil nung 2008 pa ito (at hindi pa uso sa akin ang mag-document ng mga kung anu-ano sa buhay ko), hindi ko na maalala ang mga pagkakasunud-sunod ng mga ganap. Pati mga lugar na pinuntahan namin, hindi ko na maalala! Calling Jerry.. Mel.. Help on these please..

Kaya naman, let the pictures do the talking.

June 29, 2012

the one with prosa prosahan ng pagbabalik

Warning: this is not a travelogue that one can use as a guide. Just me and my travel thoughts.



Pinapangarap ko ang araw na ito. Ang muli naming pagkikita ng kaibigang matagal nang nahiwalay sa akin. Hindi kasi nag-a-apply sa pagkakaibigan namin ng out of sight, out of mind dahil alam ng aking kaibigan na meron syang kinalalagyan sa puso ko.

Alam ng kaibigan ko kung saan ako pupunta: Cafe by the Ruins, Pizza Volante, Don Henrico’s sa Session Road, Good Taste, Kafe Klatsch, Star Cafe, Tea house,  at iba’t iba pang lugar na nagpainit ng aking puso.

Mt Cloud, Hill Station, Villa Cordillera at iba pang mga bagong kakilalang magiging bahagi ng aming pagkakaibigan.

Ang mainit na pagtama ng sikat ng araw sa aking nilalamig na mukha, ang muling pakikipagtitigan ng unibersidad na nagbigay ng sa akin oportunidad na maging Malaya at mapagpalaya, ang byaheng hindi matutularan.

Pagyakap sa bukangliwayway hanggang sa pagpapaalam sa takipsilim. Sa uulitin.

Reading, thinking about the previous phrases made me miss the warmth of Baguio. Too bad, that did not happen.


I only had 6 photos of my 8 hour stay in Baguio..


#1

The familiar greens..


#2
At 8am, Marie and I head straight to Pizza Volante for her Choco Vanilla Affair fix. See the blackboard menu? Back then there were just pizza, pasta and waffles. Now, they serve a variety of combo meals. That familiar red wall, black and white tables and chair. 


#3
My breakfast starter plate. Bacon, eggs, waffles and brewed coffee all for 134php. Slice of apple pie on the side. This is why I am friends with Baguio, why I LOVE Baguio. Pinapaalala nya sa akin kung sino ako  10 years ago... Yes. With this breakfast, it reminded me that I once dreamed of this plate; that I once dreamed and will always be dreaming...

#4
Will not forget that look. Dreamy look.

#5
Tabinging Pedestrian lane, people in sweaters, umbrellas open before the rain drops. What I used to see on a daily basis. Ang unang araw na tinaggap ko ang Baguio was also the day I learned to expect the unexpected.

#6
My Don Henrico's plate. My elmo friends would always make our way to Don Henrico's just to reminisce the days when we think of the restaurant as our sosyal kainan. Haha. This plate used to have a huge (OA lang) of fries and big serving of spaghetti. Seriously, I could not remember color of the plate back then because it was so full. and all for 99pesos! Oh well, things and times change talaga...


2008 nung huli akong makatungtong ng Baguio. Kaya hindi ko alam kung ano nga ba ang aasahan ko mula sa aking kaibigan. Kahit nasabihan na ako ng iba kong kaibigan na maraming nagbago pagdating sa mga kalsada ng Baguio, nakalimutan ko na hindi sa Gov Pack road hihinto ang bus kundi sa Baguio Convention Center. Pagkababa ko ng bus, hayun siya, nakangiti ang puso ng UP sa akin. Katulad ng isang kakilala na kahit hindi magkalapit, patuloy paring tinatanggap. 


Magkikita kami ni Marie sa Pizza Volante (kahit magkasabay kami sa bus, bumaba sya sa may bandang Irisan at magkita na lang daw kami sa Baguio pagkatapos ng ilang minuto). Papara na dapat ako ng taxi (kung saan sa Baguio ko lang ginagawa - tamang hinala ako sa mga taxi sa Maynila), naisip kong limang daang pisong buo ang pera ko. Niloko ko ang sarili at inisip na hindi tama ang magbayad ng buo sa taxi. Bitbit sa likod ang mabigat na bagahe, nilakad ko pababa ng Gov Pack road papuntang Session Road.


Wala ang init ng ngumingising araw. Ang hangin, hinahampas ang maigsi kong buhok at hinahaplos ang aking giniginaw na pisngi. Parang nag time warp. Parang deja vu. Parang nangyari na to. Huminto ako. Pumikit. At nilasap ang sandali. Alam kong iniisip ng Manong na nasa likuran ko na nababaliw ako pero kung alam nya lang kung gaano ako kasaya na sa pagpikit kong iyon, niyakap ako ng isang kaibigang nakaaalam sa kung paano ako naging AKO, hindi nya ako babanggain. Maiintindihan nya ako.


Ilang hakbang at kumaway na sa akin ang Session road. Hinanap ko sa daan ang mga basag tiles na ginawa ng artists noon. Hayun parin. Pero kinailangan kong kilalaning muli ang Session road. Hindi naman natagalan, nagkapalagayan na kami ng loob at nakarating ako sa Pizza Volante, at katulad ng dati - may isang kaklase (sa buhay) ang nag-aantay sa aking pagdating.


Kaunti lang ang mga sandali ng aming pagkakadaupang palad (o paa) pero pagdating sa palengke muling nag-time warp. Deja vu again. Parang nangyari na naman. 


Lalapit sa tindera para bumili at sasabihing "Manang Awan Tawarnan?" 
De-dead-mahin ang mga makukulit na batang nagtitinda ng plastic. At kapag patuloy sa pangungulit, sasabihing "Haan Ading Haan" dahil plastic ang kailangan mo kundi sako bag at tatawagin mo ang isang batang nagbebenta nito at tatanungin "Sagmamano Ading?". Sasagot sya ng "Sangapulo Manang.." at bibili ka ng "Maysa.."


Pagkatapos ng mga ilang nakakakilig na sandaling iyon (oo nakakakilig para sa akin yun...), ano pa nga ba't nagpaalam na ako. Ganun ganun lang ng napalitan ng ginaw ng aircon ang lamig sa aking mga pisngi. Ganun ganun lang, wala na ang pamilyar na kulay berde sa tanawin, at ganun ganun lang... wala na ang zigzag at nasa nlex na ako.


Isang baon na lang ang mayroon ako. Ang pakiramdam na yun. Pipikit ako at manunumbalik ang mga panahong huminto ako sa gitna ng paglalakad sa Baguio. Hindi iyon mauubos. Pero hindi ko palalagpasin ang susunod na pagkakataon na magkikita ulit kami ng aking kaibigan...




Yes. That was it. No tourist spots. No fabulous pictures. 


Just feelings.


Corny you say?


#walangbasaganngtripplease


merci merci

June 25, 2012

the one with "take me to the beach"

I'm moving
I'm coming
Can you hear, What I hear
It's calling you my dear
Out of reach
          Take me to the beach...
I can hear it, calling you
I'm coming not drowning
Swimming closer to you
                                                                                                            ---Pure Shores

WHAT?! The beach again? 

A resounding YES.


June 13, 2012

the one with thoughts on summer's end


Parang ilocos empanada na may longganisa ang entry na ito.. SPECIAL!

Day 3 - the one with thoughts on summer's end


It was a happy but tiring Day 2. 


Kaya naman pagbalik namin ng Vigan, kumain na lang kami sa labas ng hapunan. Sa sobrang pagod, hindi na nakasama sa amin si Cho. Pagod din ako pero mas marami akong gutom kaysa sa pagod kaya sumama parin ako kay Fred at Chie papuntang Cafe Uno..


Inside Cafe Uno
G/F Grandpa's Inn, 1 Bonifacio St Cor Quirino Vigan City





Apologies for the crappy photos because I just used my camera phone. I guess I was really tired that I forgot to bring Lulu with me.. Pero hindi ko palalagpasin ang foodams sa bawat travel!


Balatong with Bagnet. Ilocos' version of Monggo.. My kind of monggo!

Rice and Kare Kare. Hindi naman talaga sya ganun ka Ilocano. Nagcrave kasi si Seaman Fred ng Kare Kare kaya pinagbigyan namin ni Chie. Mahirap na, seaman to.. hehe
I had brewed coffee like the one below (from baffledchichi's blog)

Sobrang sakto ang kape na ito! As in pwedeng ipalit sa 3 in 1 pero parang signature coffee ang effect. Ok fine, OA lang ako sa pagka enjoy ng kape but I seriously enjoyed it together with the balikutsa. Too bad I was really tired and the coffee was so comforting, the next thing I know, I finished it all before I could take a picture.

Sabi ni Cho, bakit daw kumain kami dun. Being a local, she considers it on the pricey side for an ordinary dinner. True enough, we spent around 600php. But the place was welcoming. No it is not a tourist trap, the food was great pero syempre lumabas lang ang pagkamatipid ni Cho kaya ganun. Bakit nga ba kami napunta sa Cafe Uno? Ah.. gusto ni Fred kumain sa may aircon! Haha..


So ano naman ang nangyari sa huling araw ko sa Norte?

June 11, 2012

the one with 10 stops in ilocos norte

Parang siopao lang ang ang entries na ito.. special!

Day 1 - the one with agyamanak
Day 2 - the one with 10 stops in ilocos norte
Day 3 - the one with thoughts on summer's end

Hay naku, bulol bulol na lang sa title!


Day 2 ng aking refreshing summer getaway... J


Good Morning Balay da Blas!
Balay da Blas - 10 Giron St Brgy 7-B Laoag City
Super thank you sa mga kaibigan na alam kung saan ako dadalhin, masarap ang tulog at maganda ang gising ko sa pangalawang araw ko sa Ilocandia. Syempre nanghinayang ako na isang gabi lang kami sa Balay de Blas pero naisip ko, kaya maganda at memorable ang mga experiences dahil sa pagiging “short, sweet at simple” nito. I always remember one of the scriptwriting rules I learned back in college – K.I.S.S – Keeping it Short and Sweet. Actually sa maraming bagay, na-a-apply ko na to.. Going back…

Top - Kama ni Chie, kama ko at kama ni Cho at Fred (ano pa nga ba?)
Bottom - Sala cum bed. O diba? May pull out case na pwedeng lagyan
ng another mattress para kasya ang 8 tao sa kwarto!


Kunwari travel blogger ako - my bed.. yihee!!
We got one of the family rooms (daw) – has 5 beds good for 8 people and P2,500 per night with free breakfast na sya. So parang 300php per head per night. Pwede na since malapit naman na ang Balay da Blas sa maraming bagay sa Laoag. At dahil 4 lang kami at mag-asawa naman ung dalawa, 3 beds lang ang nagamit namin. Ulit, SUPER THANKS sa mga kaibigan, hindi na nila ako pinagbayad.. yihee! I love vacations! I love friends! I love vacations with friends!!! J

June 06, 2012

the one with agyamanak



Ito ang naaalala kong paulit ulit kong sinasabi - agyaman ak. 

Ganito kasi yan. Kahit sinabi ko nung nakaraan na summer is mine - nakatali pa rin ako sa maraming bagay dito sa bahay. Kaya naman isang araw bigla ko na lang nasabi sa sarili ko - I need some fresh air.

Makalipas ang ilang bbms at pananahimik, with my backpack and a box of krispy kreme doughnuts...

Yes, up north...
I took the 11pm bus. Sakto Vigan ang last stop. But I can always take the Laoag bus and they will just drop me off in Vigan.

I decided to take the night trip so I can make the most out of my days in Vigan. Living in Baguio for 4 years in college - nasanay na rin na pagdilat ng mga mata ay nasa Norte na. So, it takes 7 hours to VIgan kung gabi magbabyahe but it will take around 10 - 11 hours for an excruciating day trip. O diba, sayang ang oras sa umaga?

Hello Vigan!

Wehnong gagawin ko naman sa Vigan? At bakit sa Vigan?

May 11, 2012

the one with travel journal

from The Fancy

Bitten by the travel bug.. Matagal na panahon na.

Bago pa man nauso ang It's More Fun in the Philippines, early years pa lang ng Wow Philippines kung saan saan na ako nakarating. Home address ko pa lang nakailang palit na ako no. Kaya naniniwala ako na ung travel bug na kumagat sa maraming Pilipino ngayon ay apo na nung travel bug na kumagat sa akin nung bata ako. Hehe, joke lang.

Kidding aside, travelling was first introduced to me when my Lola Pilang, my father's mother, died in their hometown in Quezon province when I was 7 years old. Ito yung unang pagkakataong naaalala kong bumyahe na may muwang na sa mundo. Sabi ng mga mame matagal na daw kaming umuuwi ng Quezon. Madalas pa nga daw nakikipaglaro sa akin si lola pero yun nga masyado pa akong bata para maalala. Kaya naman ung pagdalaw naming ng mamatay ang lola ang una kong experience sa travel. Simula noon, halos taon taon na kaming umuuwi ng Atimonan.

Travel to Atimonan that time was a 6 hour drive from Manila. Now with the Star Tollway and Tiaong Diversion Road, travel time was lessened to 5 hours. Parang trip to Baguio lang ang ganap. Seryoso, may zigzag sa bundok din papuntang Atimonan hindi nga lang kasing haba ng Kenon Road or Marcos Highway but still zigzag road parin. Pero bago pumasok ng Quezon province, dumadaan muna kami sa isa ko pang lola, mame's mother, sa San Juan Batangas. Yes, it was always hitting two birds with one stone.

Other than these visits to the grandparents, mame would always bring me with her to different  school field trips whenever there will be vacant seats in the bus. I was able to see early days of Villa Escudero because of these trips. Hindi ako maiwan ng mame for some reason habang nagmumukmok sa bahay ang mga kapatid ko. Hehe.

More of the travels happened when I was in college. Since UP Baguio encourage exploring the culture of different provinces in the northern and central Luzon and just because most of my classmates were from the region, I grabbed the opportunity to visit the provinces. 

Where am I going? Dahil ang intergalactic space na ito ay para sa remembering.. I decided that I would post my trips and some travel related thoughts. Marami na siguro ang sukang suka sa dami nang nagsusulputan travel blogs pero uulitin ko, ang intergalactic space na ito ay para sa remembering.. hence it will likely be a travel journal J

I just hope I can write about my trips (as if naman ganun karami) while I try to write about other things in this space as well. As much as I love traveling, hindi naman ako mayaman to be in constant travel. Hindi ko nga alam kung kailan ba ang susunod na out of the country trip, baka nga wala nang kasunod pero sana meron pa. Ganun ka un-sure ang aking travelling plans kaya it's better to travel like it's my last! Hence this intergalactic space J

For the love of going places...


merci merci