Warning: this is not a travelogue that one can use as a guide. Just me and my travel thoughts.
Pinapangarap
ko ang araw na ito. Ang muli naming pagkikita ng kaibigang matagal nang
nahiwalay sa akin. Hindi kasi nag-a-apply sa pagkakaibigan namin ng out of sight, out of mind dahil alam ng
aking kaibigan na meron syang kinalalagyan sa puso ko.
Alam ng
kaibigan ko kung saan ako pupunta: Cafe by the Ruins, Pizza Volante, Don
Henrico’s sa Session Road, Good Taste, Kafe Klatsch, Star Cafe, Tea house, at iba’t iba pang lugar na nagpainit ng aking
puso.
Mt Cloud,
Hill Station, Villa Cordillera at iba pang mga bagong kakilalang magiging bahagi
ng aming pagkakaibigan.
Ang mainit na
pagtama ng sikat ng araw sa aking nilalamig na mukha, ang muling
pakikipagtitigan ng unibersidad na nagbigay ng sa akin oportunidad na maging Malaya
at mapagpalaya, ang byaheng hindi matutularan.
Pagyakap sa
bukangliwayway hanggang sa pagpapaalam sa takipsilim. Sa uulitin.
Reading,
thinking about the previous phrases made me miss the warmth of Baguio. Too bad,
that did not happen.
I only had 6 photos of my 8 hour stay in Baguio..
#1
#3
#4
Will not forget that look. Dreamy look. |
#5
#6
2008 nung huli akong makatungtong ng Baguio. Kaya hindi ko alam kung ano nga ba ang aasahan ko mula sa aking kaibigan. Kahit nasabihan na ako ng iba kong kaibigan na maraming nagbago pagdating sa mga kalsada ng Baguio, nakalimutan ko na hindi sa Gov Pack road hihinto ang bus kundi sa Baguio Convention Center. Pagkababa ko ng bus, hayun siya, nakangiti ang puso ng UP sa akin. Katulad ng isang kakilala na kahit hindi magkalapit, patuloy paring tinatanggap.
Magkikita kami ni Marie sa Pizza Volante (kahit magkasabay kami sa bus, bumaba sya sa may bandang Irisan at magkita na lang daw kami sa Baguio pagkatapos ng ilang minuto). Papara na dapat ako ng taxi (kung saan sa Baguio ko lang ginagawa - tamang hinala ako sa mga taxi sa Maynila), naisip kong limang daang pisong buo ang pera ko. Niloko ko ang sarili at inisip na hindi tama ang magbayad ng buo sa taxi. Bitbit sa likod ang mabigat na bagahe, nilakad ko pababa ng Gov Pack road papuntang Session Road.
Wala ang init ng ngumingising araw. Ang hangin, hinahampas ang maigsi kong buhok at hinahaplos ang aking giniginaw na pisngi. Parang nag time warp. Parang deja vu. Parang nangyari na to. Huminto ako. Pumikit. At nilasap ang sandali. Alam kong iniisip ng Manong na nasa likuran ko na nababaliw ako pero kung alam nya lang kung gaano ako kasaya na sa pagpikit kong iyon, niyakap ako ng isang kaibigang nakaaalam sa kung paano ako naging AKO, hindi nya ako babanggain. Maiintindihan nya ako.
Ilang hakbang at kumaway na sa akin ang Session road. Hinanap ko sa daan ang mga basag tiles na ginawa ng artists noon. Hayun parin. Pero kinailangan kong kilalaning muli ang Session road. Hindi naman natagalan, nagkapalagayan na kami ng loob at nakarating ako sa Pizza Volante, at katulad ng dati - may isang kaklase (sa buhay) ang nag-aantay sa aking pagdating.
Kaunti lang ang mga sandali ng aming pagkakadaupang palad (o paa) pero pagdating sa palengke muling nag-time warp. Deja vu again. Parang nangyari na naman.
Lalapit sa tindera para bumili at sasabihing "Manang Awan Tawarnan?"
De-dead-mahin ang mga makukulit na batang nagtitinda ng plastic. At kapag patuloy sa pangungulit, sasabihing "Haan Ading Haan" dahil plastic ang kailangan mo kundi sako bag at tatawagin mo ang isang batang nagbebenta nito at tatanungin "Sagmamano Ading?". Sasagot sya ng "Sangapulo Manang.." at bibili ka ng "Maysa.."
Pagkatapos ng mga ilang nakakakilig na sandaling iyon (oo nakakakilig para sa akin yun...), ano pa nga ba't nagpaalam na ako. Ganun ganun lang ng napalitan ng ginaw ng aircon ang lamig sa aking mga pisngi. Ganun ganun lang, wala na ang pamilyar na kulay berde sa tanawin, at ganun ganun lang... wala na ang zigzag at nasa nlex na ako.
Isang baon na lang ang mayroon ako. Ang pakiramdam na yun. Pipikit ako at manunumbalik ang mga panahong huminto ako sa gitna ng paglalakad sa Baguio. Hindi iyon mauubos. Pero hindi ko palalagpasin ang susunod na pagkakataon na magkikita ulit kami ng aking kaibigan...
Yes. That was it. No tourist spots. No fabulous pictures.
Just feelings.
Corny you say?
#walangbasaganngtripplease
merci merci
No comments:
Post a Comment