August 05, 2012

the one with thoughts behind bars

Sobrang marami akong dapat gawin pero hindi ko palalagpasin ang isang ito.

Madalas kong sabihin na Learning New Things is my PASSION. Oh, walang basagan. Kanya kanyang passion lang yan. Siguro dahil gustong gusto ko ang nakakarating kung saan saan; dahil gusto kong maging isang traveler. 

Yung pagpapanggap ko na traveler, nadadala ko tuloy sa aking Graduate Studies (ano ba, yung point nga lang na dumayo pa ng Los Banos para mag-aral, isang ebidensya ng pagkakaroon ko ng makating paa.. hehehe.. J) Naisip ko tuloy hindi kailangan sa mga tourist destinations lang nakakarating ang traveler. Sa kung saan may pagkatuto, nandoon ang traveler? Watchutink? J


Sabi nga ni Aya, best in field trip daw kami. True enough. Sa apat na semestre ko sa eLBi, bawat sem meron akong bagong lugar na napupuntahan. Unang sem bongga lang dahil nakarating ako sa Kasetsart University sa Bangkok (will post pictures of that trip soon), second sem nakarating din ako sa Batasang Pambansa Complex (libre naman ang pumasok sa loob ng session hall), third semester sa loob ng Makati City Hall (although, pwede naman talaga pumunta sa lugar na ito kahit hindi field trip. Marami kasi akong natutunan sa araw na yun kaya counted na sya sa bagong lugar)

At sa aking 4th and last (course work) sem, nakarating naman ako sa New Bilibid Prison..

Source
No, hindi dito.


Mga presong napupunta sa Maximum Security Camp ang pumapasok sa sikat na  patsada o facade ng Bureau of Corrections. Dito kami nagpunta...


In my class Education Communication and Technology, kailangan naming gumawa ng isang learning module at ang napili naming intended audience ay ang mga Bilibid inmates na... wait for it... nag-aaral ng college.

Oh yes. Merong college education ang Medium Security Camp ng New Bilibid Prisons para sa mga presong gustong mag-aral habang nakapiit sila. Course offered? Bachelor of Science in Entrepreneurship. Yes, para pwede silang makapagtayo at makapagpatakbo ng isang negosyo pagkalabas nila ng piitan.

Sa 7 colonies ng Bureau of Corrections, dito lang ata sa Bilibid ang merong offering na college education. 

The first agenda of that trip was to conduct a baseline survey and a focused group discussion (FGD). Para malaman namin kung ano bang klaseng learning module ang gagawin namin at nang mapakinabangan nila. Sana.

O sige para maniwala kayo...


Hannah (pink) and Gaile (black and white) together with 10 inmates during the FGD. Seryoso ang mga manong at kuya sa pakikinig at pag-participate.

Pagkatapos ng aming FGD, ipinakita sa amin ni Sir Sonny (oops forgot his last name) ang ilan sa mga "educational" facilities of mga pinagkakaabalahan ng mga inmates. Para magkaroon ng mukha ang edukasyon sa loob ng piitan.

Sir Sonny giving us a "tour". Yes, following the leader lang ang peg.
Syempre meron kaming mga "escorts" na kasama habang naglilibot kami sa loob ng camp. All the while, akala ko 2 escorts lang ang kasama namin. Pagkatapos ng paglilibot noon lang sinabi sa akin ng aking dear classmates na tig-i-isa kaming escorts. One escort per visitor. Kaya merong 7 lalaki pala ang nakasunod sa aming 7 magka-kaklase. Oo natakot ako syempre habang naglilibot kami pero noon lang nag-sink in sa akin na kinailangan pa ng tig-iisang escort. Talk about security. Ngayon lang ako nagka-escort sa tanan ng buhay ko! Sayang hindi ko kilala kung sino ang bumabantay sa akin habang nag-skip and hop pa ako from one place to another.

Inside the Medium Security Camp, kumpleto ang education level: Elementary, Highschool, College and Vocational courses. Ay di pala kumpleto kasi walang preschool J

Bukod sa mga year levels na ito, meron ding mga livelihood projects na pwedeng pagkakitaan ng mga inmates. Sabi ni Sir Sonny, hindi pwedeng pagsabayin ang pag-aaral sa college at ang pagta-trabaho sa mga livelihood projects na ito. Buong araw kasi ang nilalaan sa paggagawa dito kaya hindi pwedeng pagsabayin sa pag-aaral.


As expected, well base sa mga napapanood ko sa mga drama at pelikula, kasama ang handicrafts sa kanilanga mga projects.

Ang medyo ikinagulat ko ay ang pagkakaroon nila ng SOFA.. School of Fashion and Arts?

Hindi.. School of Fine Arts naman. Maloloka siguro ako kung meron Fashion Designing sa loob ng preso no...

Kasama sa school of fine arts nila syempre ang Painting..
O diba, bongga naman ang obra maestra ni Kuya?
At... Wood Burning! Yes, you heard it right.. WOOD BURNING. Simple lang. As shown below, sinusunog nila ang wood para sa kanilang masterpieces!

O diba, partida, improvised lang ung "equipment" na ginagamit nila. Top picture shows na isang parang maliit na kahon na may mga wiring o Soldering Iron na karaniwang ginagamit sa pagtutunay ng mga wiring sa electronics chu chu ang ginagamit nila sa wood burning art! Maparaan talaga! O ngayon ko lang nalaman to?

Hayan. Hindi kami pumunta sa mga dorms ng mga inmates dahil siguro nakita ni Sir Sonny na hindi kami handa sa kung ano man ang makikita namin doon. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga dorms. Hindi ko alam kung anong meron doon.

Iyon lang ang mga nakuha kong photos na pwede kong i-post dito. Syempre. Ayaw ko naman i-expose ang mga mukha ng mga kuya at manong na hindi namin natanungan kun pwede ba namin silang kuhaann ng photo. Ang alam ko, babalik kami rito kasama na ang amin class adviser.

Class picture (kaso wala si Gail kasi sya ang kumuha nito).
From L-R: Kat, Hanah, Lablyn, Donna, Sir Sonny, Wena and MOI! 
J

Mural from the Elementary level building... Thanks Victor Hugo...
Sa totoo lang, I had mixed feelings about this trip. Days before the trip, I was not thinking of anything, kahit expectations wala. Nung nasa gate na kami ng camp, nung kinakapaan na kami at chine-check na ang mga gamit for security purposes, doon na nagsimula ang takot ko. All for a class project?! Dadayo ako ng Bilibid?! Hahayaan kong madisturb ako emotionally habang naglalakad sa loob ng kampo babatiin ka ng mga lalaking hindi mo kilala ng "good morning maam" all for a class project?! But then again I say.. Why not.


Masaya ako na naa-appreciate ng mga tao sa loob ng kulungan ang isa sa mga mahahalagang bagay sa buhay ko - ang edukasyon, ang pagkatuto. Ok sasabihin nyo, e kaya naman nag-aaral ang mga iyan ay dahil wala silang magawa sa loob ng kulungan, might  as well, mag-aral na lang. Pero kasi may choice naman sila na huwag na lang mag-aral. Katulad ng maraming tao dito sa labas - maraming estudyante dito sa labas, meron silang choice kung gusto ba nilang mag-aral o hindi. At ang marami sa kanila - ginustong mag-aral kahit makailang course pa sila sa loob ng kulungan.


Hindi ba, napapaisip ka tuloy kung paano ka nga ba gumawa ng mga life decisions mo?


merci merci

1 comment:

  1. Puede mag tanong? Need ko kasi mag pagawa ng handicraft na watch ng NERVES INCORPORATION kaya kay nila itong gawin na wall clock? just email us at nervolunteers@gmail.com for reply po maraming salamat!

    ReplyDelete