Showing posts with label inside my head. Show all posts
Showing posts with label inside my head. Show all posts

January 03, 2013

the one with starting 2013 with..


If 2012 is learning new things, 2013 is for letting go and breaking free..

November 01, 2012

the one with the learning never stops

Grabe kapatid! Ikaw lang ang taong alam kong may ganyang hilig sa pag-aaral! 

I remember this line when I told my friend Dianne that I will be quitting my 5 year corporate job and concentrate full time as a graduate student. Well, she blurted that one after I told her that I just finished my French (language) lessons and that another sem in grad school was about to start. She does not get my "liking" for being in school. I am no nerd I told her. I just like being there. True to my passion, learning new things indeed..

I decided to go full time just because I wanted to finish all my course work. Why? Beats me.

3 months of 2nd sem 2011-2012 and 4 months 1st sem 2012-2013 were the best months I must say. But summer 2012 made me think that I can not and should not spend the entire year being a full time student. That after my 1st sem this year, I should and must be looking for a job since I will no longer be on classroom lectures anymore. Or so I think.

As Marie would always tell me, Life happens while you plan.. 

I was so ready to put myself out there and be a part of work force; any work force (well not some kind of mafia or bad guys association). I even considered working for a government agency and took and passed the career service exam. But no. Life happens while you plan, and I think the only thing that would ruin your Plan A - Z is that if your dreams get in the way...

*********************************************************

Isa lang sya sa mga iniidolo ko eh. Sa mga pagkakataong nakikita ko sya sa personal, hindi ako humihingi ng kung ano mang picture kasama sya at hindi ko rin inisip na maging kaibigan ko sya o makasama sa friend list ko. Dahil gusto kong manatili yung identidad nya sa kamalayan ko bilang isang hinahangaan.

Dear yeye, fly high yet be down to earth...
Hanggang "autograph" na nga lang ang drama ko dahil hindi pa kayang yakapin ng kamalayan ko.

Bakit ba ako nagkakaganito? Isa kasi sya sa mga hinahangaan kong magaling sumulat sa Filipino. Well, isa sya sa mga sikat at kilala. Karamihan kasi sa mga hinahangaan kong mag-sulat sa Filipino ay mga kaibigan ko na hilig rin ang magsulat at magbasa ng/sa wikang Filipino.

Mabalik tayo..

Hindi ko inasahan na magkakaroon sya ng bagong mukha sa aking kamalayan. Sa unang pagkakataon, sa taon kung kailan nagpasya akong matuto, magiging "mentor" ko sya. Masarap pakinggan ang salitang mentor sa pagkakataong ito kesa guro, maestra, teacher, sensei dahil pakiramdam ko nababagay ito sa kung ano ang ituturo niya sa akin..

Ganito kasi yan. Iigsian ko ang kwento. May scriptwiritng workshop. Nagpasa ako. Nag-audition. Natanggap. at si Sir Ricky Lee ang magiging mentor ko.

O diba? Sino ang hindi maintindihan ang sarili ngayon?

Lalo na nung mabasa nya ang gawa ko..

Beautiful prose.. worth in workshop
Ito ung sinulat nya sa dulo nung narrative na pinasa ko. Ang sarap sa tenga. Sabi ko sa sarili ko nung nabasa ko to, kahit hindi na ako matanggap sa workshop basta alam kong nagandahan si RL sa sinulat ko, keri na..

E kaso natanggap ako..

Ang nakakaloka lang, yung ipinasa kong narrative ang una at huling narrative na isinulat ko sa tanan ng buhay ko. Partida, college ko pa sinulat yun. Requirement para sa literary writing ng magazine writing and lay out design subject ko. 2003 pa ata. Kaya masasabi kong hindi naman ako magaling na manunulat; gusto ko lang magsulat.. gusto ko lang magsulat sa Filipino..

Siguro ang salita parang alak, tumatamis o umaasim sa pagdaan ng panahon..

Ilang beses ko na syang nakita nitong mga nakaraang buwan kahit naghahanda palang para sa workshop. Sa loob ng ilang linggo, magsisimula na ang pagtingin ko sa kanya bilang isang mentor. Mananatili parin syang idol, wag mag-alala.

*********************************************************

I can smell 2013 but it seems my 2012 blessings won't stop from pouring.

I started my 2012 believing that learning new things is my passion. It did good to me. I always emptied my tea cup and it was never full.

merci merci

September 01, 2012

the one with meltdown

I have LOTS and TONS of school work. I am not complaining, I chose to be in school again. I am actually looking forward to finishing them. But I can't help it but feel...

T I R E D

I know how you feel. I just wish I am cute as you... source
Yes. Being tired = I want SLEEP. Reason why I want... source
...this pillow. This comfort pillow would be a perfect match with a security blanket. source
Deja vu? Felt like I have done this a lot of times.. source
I wouldn't be surprised if my classmates see me walking in our college
looking like this.. source
And I know soon this will be a familiar sight... source
But it is not physical activities that wears me down.. 
but the emotional stress that tears me.. #dramalang

Story of my life... source
Just as the caption of this photo, the superhero in me is tired...


Just so you know...

merci merci

PS: all photos retrieved from the fancy...

August 05, 2012

the one with thoughts behind bars

Sobrang marami akong dapat gawin pero hindi ko palalagpasin ang isang ito.

Madalas kong sabihin na Learning New Things is my PASSION. Oh, walang basagan. Kanya kanyang passion lang yan. Siguro dahil gustong gusto ko ang nakakarating kung saan saan; dahil gusto kong maging isang traveler. 

Yung pagpapanggap ko na traveler, nadadala ko tuloy sa aking Graduate Studies (ano ba, yung point nga lang na dumayo pa ng Los Banos para mag-aral, isang ebidensya ng pagkakaroon ko ng makating paa.. hehehe.. J) Naisip ko tuloy hindi kailangan sa mga tourist destinations lang nakakarating ang traveler. Sa kung saan may pagkatuto, nandoon ang traveler? Watchutink? J


Sabi nga ni Aya, best in field trip daw kami. True enough. Sa apat na semestre ko sa eLBi, bawat sem meron akong bagong lugar na napupuntahan. Unang sem bongga lang dahil nakarating ako sa Kasetsart University sa Bangkok (will post pictures of that trip soon), second sem nakarating din ako sa Batasang Pambansa Complex (libre naman ang pumasok sa loob ng session hall), third semester sa loob ng Makati City Hall (although, pwede naman talaga pumunta sa lugar na ito kahit hindi field trip. Marami kasi akong natutunan sa araw na yun kaya counted na sya sa bagong lugar)

At sa aking 4th and last (course work) sem, nakarating naman ako sa New Bilibid Prison..

Source
No, hindi dito.

June 13, 2012

the one with thoughts on summer's end


Parang ilocos empanada na may longganisa ang entry na ito.. SPECIAL!

Day 3 - the one with thoughts on summer's end


It was a happy but tiring Day 2. 


Kaya naman pagbalik namin ng Vigan, kumain na lang kami sa labas ng hapunan. Sa sobrang pagod, hindi na nakasama sa amin si Cho. Pagod din ako pero mas marami akong gutom kaysa sa pagod kaya sumama parin ako kay Fred at Chie papuntang Cafe Uno..


Inside Cafe Uno
G/F Grandpa's Inn, 1 Bonifacio St Cor Quirino Vigan City





Apologies for the crappy photos because I just used my camera phone. I guess I was really tired that I forgot to bring Lulu with me.. Pero hindi ko palalagpasin ang foodams sa bawat travel!


Balatong with Bagnet. Ilocos' version of Monggo.. My kind of monggo!

Rice and Kare Kare. Hindi naman talaga sya ganun ka Ilocano. Nagcrave kasi si Seaman Fred ng Kare Kare kaya pinagbigyan namin ni Chie. Mahirap na, seaman to.. hehe
I had brewed coffee like the one below (from baffledchichi's blog)

Sobrang sakto ang kape na ito! As in pwedeng ipalit sa 3 in 1 pero parang signature coffee ang effect. Ok fine, OA lang ako sa pagka enjoy ng kape but I seriously enjoyed it together with the balikutsa. Too bad I was really tired and the coffee was so comforting, the next thing I know, I finished it all before I could take a picture.

Sabi ni Cho, bakit daw kumain kami dun. Being a local, she considers it on the pricey side for an ordinary dinner. True enough, we spent around 600php. But the place was welcoming. No it is not a tourist trap, the food was great pero syempre lumabas lang ang pagkamatipid ni Cho kaya ganun. Bakit nga ba kami napunta sa Cafe Uno? Ah.. gusto ni Fred kumain sa may aircon! Haha..


So ano naman ang nangyari sa huling araw ko sa Norte?

February 15, 2012

21 days b4 28: foodie (wish) list

Sinabi ko sa sarili ko na this year, I will not dine out that much. Isa kasi sa mga culprit kung bakit ako lalong “bumigat” ay dahil madalas akong mag lunch and dinner out nung nagtatrabaho ako. Isa nga sa mga napansin ng Mame sa facebook ko e bakit may pictures daw ako nga kain at gala ko sa labas samantalang wala daw syang makitang picture na kasama ko ang boypren ko. oh yes she pronounce it that way to mock me.. #funnystrip

But I can't help it. Whenever my birthday month is just a few days away, I'm always thinking of where to go and celebrate the day. I always check out food blog's (especially Anton Diaz' Our Awesome Planet and Richard of Tales from the Tummy) but somehow ended up disappointed dahil wit ko naman afford madalas ang mga bet kong posts nila!

When I was still working, I have these food places in mind that I promised myself pupuntahan ko yan. But no. Taon ang lumipas, halos naubos na ang ipon ko pero di ko parin sila napuntahan.

So I will use this space of mine to remind me of these places. Parang vision board lang talaga ang silbi sa akin ng blogspot, haha! @pinterest na lang kaya?

Anyway, here are are my dream / wish foodie list

January 29, 2012

inside my head: vision board

Dahil hindi ko pa (o pwede ring na) ang mangyayari sa 2012, walang lamang pangarap ang planner ko (o walang pakialamanan. Ginagawa kong journal ang planner at hindi scheduler). Thanks to @triksine, binigyan nya ako ng pagkakaabalahan... vision board!

Sabi ni Kea, ang mga pangarap na gusto mong matupad, ilagay mo sa vision board mo. Old school vision board ay yung kukuha ka ng photos ng mga pangarap mo o sumisimbolo sa mga pangarap mo at ididikit sa isang (illustration, cork, card, whatever) board. Pwede mong kalimutan after mong magawa pero pwede syang magkatotoo nang hindi mo namamalayan. Yez! The Secret lang ang ganap! Dahil sabi ni Kea, hindi mo magiging problema kung paano ito sa yo lalapit o makukuha basta positive ka sa buhay. Syempre, hindi pwedeng aasa ka lang entirely dito at huma-Juan Tamad ka lang diba? Go on with life, stay positive and it will come to you.

More than dreams coming true, mas na-excite ako sa part na mag-iisip ako ng mga bagay na gusto kong ilagay sa vision board! AHA! Yung mga balak kong gawin sa 2012 na hindi ko pa (o pwede ring 'na' dahil sa pagka-unpredictable ng buhay) ang ilalagay ko sa vision board!! 

Si Kea kasi masipag at OC pagdating sa mga artsy fartsy crafts kaya bongga ang vision board nya. Sinubukan ko ito pero isa akong malaking FAIL! Maliban sa tinatamad akong maggupit gupit (hindi ko rin maintindihan pero best in home economics ang peg ko nung elementary at highschool e bakit ngayon lazy daisy ang ganap ko?!), it does not reflect what I have in mind. Parang hindi mapantayan ng mga cut outs ko ung ka-bongga-han ng nasa utak ko. Ayoko naman na magpa-print ng mga pictures from the internet tsaka ilalagay sa board dahil parang hindi earth friendly ay wala akong extrag pera for that. So I decided, post it here! 

Para dramatic, I created a separate post which is the next one.. =)



merci merci..