November 01, 2012

the one with the learning never stops

Grabe kapatid! Ikaw lang ang taong alam kong may ganyang hilig sa pag-aaral! 

I remember this line when I told my friend Dianne that I will be quitting my 5 year corporate job and concentrate full time as a graduate student. Well, she blurted that one after I told her that I just finished my French (language) lessons and that another sem in grad school was about to start. She does not get my "liking" for being in school. I am no nerd I told her. I just like being there. True to my passion, learning new things indeed..

I decided to go full time just because I wanted to finish all my course work. Why? Beats me.

3 months of 2nd sem 2011-2012 and 4 months 1st sem 2012-2013 were the best months I must say. But summer 2012 made me think that I can not and should not spend the entire year being a full time student. That after my 1st sem this year, I should and must be looking for a job since I will no longer be on classroom lectures anymore. Or so I think.

As Marie would always tell me, Life happens while you plan.. 

I was so ready to put myself out there and be a part of work force; any work force (well not some kind of mafia or bad guys association). I even considered working for a government agency and took and passed the career service exam. But no. Life happens while you plan, and I think the only thing that would ruin your Plan A - Z is that if your dreams get in the way...

*********************************************************

Isa lang sya sa mga iniidolo ko eh. Sa mga pagkakataong nakikita ko sya sa personal, hindi ako humihingi ng kung ano mang picture kasama sya at hindi ko rin inisip na maging kaibigan ko sya o makasama sa friend list ko. Dahil gusto kong manatili yung identidad nya sa kamalayan ko bilang isang hinahangaan.

Dear yeye, fly high yet be down to earth...
Hanggang "autograph" na nga lang ang drama ko dahil hindi pa kayang yakapin ng kamalayan ko.

Bakit ba ako nagkakaganito? Isa kasi sya sa mga hinahangaan kong magaling sumulat sa Filipino. Well, isa sya sa mga sikat at kilala. Karamihan kasi sa mga hinahangaan kong mag-sulat sa Filipino ay mga kaibigan ko na hilig rin ang magsulat at magbasa ng/sa wikang Filipino.

Mabalik tayo..

Hindi ko inasahan na magkakaroon sya ng bagong mukha sa aking kamalayan. Sa unang pagkakataon, sa taon kung kailan nagpasya akong matuto, magiging "mentor" ko sya. Masarap pakinggan ang salitang mentor sa pagkakataong ito kesa guro, maestra, teacher, sensei dahil pakiramdam ko nababagay ito sa kung ano ang ituturo niya sa akin..

Ganito kasi yan. Iigsian ko ang kwento. May scriptwiritng workshop. Nagpasa ako. Nag-audition. Natanggap. at si Sir Ricky Lee ang magiging mentor ko.

O diba? Sino ang hindi maintindihan ang sarili ngayon?

Lalo na nung mabasa nya ang gawa ko..

Beautiful prose.. worth in workshop
Ito ung sinulat nya sa dulo nung narrative na pinasa ko. Ang sarap sa tenga. Sabi ko sa sarili ko nung nabasa ko to, kahit hindi na ako matanggap sa workshop basta alam kong nagandahan si RL sa sinulat ko, keri na..

E kaso natanggap ako..

Ang nakakaloka lang, yung ipinasa kong narrative ang una at huling narrative na isinulat ko sa tanan ng buhay ko. Partida, college ko pa sinulat yun. Requirement para sa literary writing ng magazine writing and lay out design subject ko. 2003 pa ata. Kaya masasabi kong hindi naman ako magaling na manunulat; gusto ko lang magsulat.. gusto ko lang magsulat sa Filipino..

Siguro ang salita parang alak, tumatamis o umaasim sa pagdaan ng panahon..

Ilang beses ko na syang nakita nitong mga nakaraang buwan kahit naghahanda palang para sa workshop. Sa loob ng ilang linggo, magsisimula na ang pagtingin ko sa kanya bilang isang mentor. Mananatili parin syang idol, wag mag-alala.

*********************************************************

I can smell 2013 but it seems my 2012 blessings won't stop from pouring.

I started my 2012 believing that learning new things is my passion. It did good to me. I always emptied my tea cup and it was never full.

merci merci

No comments:

Post a Comment