Sidebar: Sana tama ang pagsasalin ko. In French, collier means necklace and anniversaire means birthday. Waaaah I miss my french class! Para hindi na ako magkakamali ng translation..
Ito ang peg ko this year, ang mamigay ng collier d'anniversaire.
Two birthday necklaces. Hindi para sa akin kundi para sa mga taong the best =)
Date - March 4, 2012
Time - Bandang 230pm
Location - UP Diliman, Sunken Garden
Occasion - Happy times
Obviously, hindi ko pa birthday dahil hindi naman March 7 ngayon. There were greetings pero hindi ko pa nga birthday! Pero I asked my friends to come and join me in my version of picnic because I won't be spending my special day with them. So for them, it was celebrating THE day, but for me, it was for another reason.
January 2012 = Depression. Yes. Iniisip ko pa rin bakit ganun ang nangyari at bakit hinayaan kong maging ganun ang nangyari. Sabi ng iba, stress lang, yung iba, separation anxiety daw dahil kaka-resign ko lang sa trabaho at baka daw kinukuha ko pa lang ung groove ng bago kong pagsisimula pero para sa akin ang January? Cry-ola world, sleepless nights, insecurities, lahat lahat na! Kahit nagpupumilit ako, hirap na hirap pa rin akong bumangon sa patung patong na kapraningan at kalugmukan ng loob.
Good thing, I fought back. February was my launch pad. Literal na pagtungtong ng February 1 (di ko makakalimutan yun dahil naliligo ako noon) sabi ko sa sarili ko, ayoko nang umiyak ayoko nang mapagod. Gusto kong magpahinga kaya gusto ko na ulit sumaya. Now, I can say, things are manageable, well compared to what I felt 2 months ago.
Bad thing? Hindi ako nakapagbigay pugay sa mga taong importante sa kaluluwa ko =)