March 05, 2012

2 days b4 28: collier d'anniversaire

Sidebar: Sana tama ang pagsasalin ko. In French, collier means necklace and anniversaire means birthday. Waaaah I miss my french class! Para hindi na ako magkakamali ng translation..

Ito ang peg ko this year, ang mamigay ng collier d'anniversaire. 

Two birthday necklaces. Hindi para sa akin kundi para sa mga taong the best =)

Date - March 4, 2012
Time - Bandang 230pm
Location - UP Diliman, Sunken Garden
Occasion - Happy times

Obviously, hindi ko pa birthday dahil hindi naman March 7 ngayon. There were greetings pero hindi ko pa nga birthday! Pero I asked my friends to come and join me in my version of picnic because I won't be spending my special day with them. So for them, it was celebrating THE day, but for me, it was for another reason.

January 2012 = Depression. Yes. Iniisip ko pa rin bakit ganun ang nangyari at bakit hinayaan kong maging ganun ang nangyari. Sabi ng iba, stress lang, yung iba, separation anxiety daw dahil kaka-resign ko lang sa trabaho at baka daw kinukuha ko pa lang ung groove ng bago kong pagsisimula pero para sa akin ang January? Cry-ola world, sleepless nights, insecurities, lahat lahat na! Kahit nagpupumilit ako, hirap na hirap pa rin akong bumangon sa patung patong na kapraningan at kalugmukan ng loob.

Good thing, I fought back. February was my launch pad. Literal na pagtungtong ng February 1 (di ko makakalimutan yun dahil naliligo ako noon) sabi ko sa sarili ko, ayoko nang umiyak ayoko nang mapagod. Gusto kong magpahinga kaya gusto ko na ulit sumaya. Now, I can say, things are manageable, well compared to what I felt 2 months ago.

Bad thing? Hindi ako nakapagbigay pugay sa mga taong importante sa kaluluwa ko =)

Who else, Marie and Ielle!

So in my own simple student rate way, I made the two girls my princesses =)

Ang ganap? Ang aking works of art - garlands, crown  plus a muffin with a candle para pwede sila magwish! Kahit chipipay lang ang mga ito, full of love naman yan!


On Marie, pink crown dahil super bet nya ang ganitong shade ng pink, Lala chocolate garland syempre sa kanyang addiction (OA pero ganun yun) sa tsokolate at yung shell necklace na binigay ng kaibigan naming si My nung nagpadala sya ng pasalubong when she was based in Hawaii pero ngayon ay sa LA na nakatira. OA rin naman sa pagka-delayed ang pag-aabot na ito. Hehe. Shell = sea. Marie loves the water. 

Alam kong nakapagbigay pugay na ako kay Marie sa nakaraang post ko dito for her birthday last January 22 but I want her to make a wish because she deserves it. Para ma-feel nya yun, hayun ang bonggang muffin =). I must add pala na during that depressing January, alam ni Marie na kapag sinabi kong gusto (o kailangan) kong mag-ayos ng kaluluwa, maiintidihan nya yun. Hindi man sya ang nakasama ko sa pag-aayos na yun, alam kong pagkatapos ng aking pagtatagpi ng sarili, nandun sya para salubungin ako, hindi kailangan ng kung ano pang  salita.


On Ielle, with her terno sa blouse purple crown, marshmallow garland and paper folded crane/birds garland. Blue ang favorite colour ni Ielle pero gusto ko para sa kanya ngayon ang purple/lavander/lilac to remind her of our highschool days when we were happy and stress free. Kahit si Ielle ang pinakamatagal kong kaibigan (for 16 years na ata) at itinuturing na ang aking pinakamatalik, mabibilang sa kamay ang mga pagkakataon na kasama ko sya sa birthday nya. January 8 kasi ang birthday nya kaya madalas hindi ako nakakapunta sa kanila dahil sa sobrang magkalayo na ang aming bayan ay madalas busy ako ng mga ganitong  panahon. Crane/bird garland dahil gusto ko na syang lumipad! O ha, maraming ibig sabihin yun Ielle! #alammoyan. 

Gusto ko mag-wish si Ielle dahil katulad ni Marie, alam kong nararapat yun. Kung naiintindihan ni Marie ang batid kong pag-aayos ng kaluluwa, si Ielle ang kasama kong nag-aayos nung January. Si Ielle ang naisip kong takbuhan noon dahil gusto kong bumalik yung mga panahong confident ako sa sarili ko. Kinailangan ko ung mga memories namin - bugoys, jamming sessions, pancakes, heartaches, pangarap - parang ang tagal tagal ko nang hindi binalikan. Yung memories na yun parang, almusal ko lang - comfort food ang effect sa akin.

Since pabangon pa lang ako nung February, ngayon ko lang nagawa ito para sa kanila.




The past few months were hard for the both of them. Wag na kayong mag-deny, alam nyo yan. Kaya ayan para sa inyo! Mwah! Ahlabshu #OAnasacheesiness!

Sana hindi kayo magsawa sa akin dahil ako - never magsasawa! Lalo na't naniniwala ako na aabot ako ng age of 88! =)


Ielle and Marie, for all the things..

merci merci..

PS: March 4 picnic will be posted when the month is over - month long celebration dapat ang birthdays no! Hehe.

1 comment:

  1. Yay! ***madaming dead air*** This makes for Happy reading ...

    ReplyDelete