Kaya sa unang post sa aking attempt na pagsisimula, inaalay ko ito kay Marie *smiley*
Hindi ako binigyan ni Lord ng kapatid na babae pero biniyayaan naman nya ako ng mga kaibigang higit pa sa kapatid ang turing sa akin. Isa na si Marie sa mga yun.
Malapit na akong maniwala na magkadikit ang mga bituka namin:
Lahat ng nakakakilala sa kanya, alam na madaling kausap si Marie. Basta wag lang gugutumin.
Food + Books = one happy Marie <3
Teka, Food + Books + Chocolate = One Super Happy Marie <3
Kahit anong itawag ko sa kanya, pare, tol, dude, girl, bakla, marie, boom boom, strawberry, ayus lang sa kanya. Huwag lang Precilla! Sa tunay na buhay kasi siya si Precilla Marie *Precilla! Precilla! Precilla!*
Pare, alam kong super challenging ang mga past few years. and kung pwede akong mag-wish para sa birthday mo, hihiling ako na sana magkaroon ka ng peace of mind para goofy happy and tigger laughing ka na ulit.
Happy birthday Pare! Para sa mga pangarap!
PS: Ito ang true friend. Kahit asa gitna ng dagat at palubog na ang araw - binibigyan nya parin ako ng life lessons. Thanks My for the pic! :)
merci beacoup
No comments:
Post a Comment