March 01, 2012

6 days b4 28: hello march!

I promised myself that today is my subsob sa libro day since my "hell month" in school started last week but who can say no to someone who said: kahit sandali lang, magpapalamig lang tayo. kahit magkita lang tayo sandali.

Dahil dun, napatunayan ko lang na isa nga akong kaladkarin.. well, kay neyko lang naman...

So the highlights of my day in photos now loading...



Para hindi idle ang chill time, dinala ko na lang ang librong kailangan para sa book critique habang iniinggit ako ni neyko sa kanyang pagkukung anu ano sa laptop. Sakto na ang tatlong oras para sa lahat ng "kaalaman' Chos! at kulitan naming dalawa...



Had dinner at Bonchon. Took pictures of the food we ate pero ito yung mas pinag-usapan namin. Gusto ko daw na uma-artistic angle ang bawat shot, nag-suggest si neyko na kuhaan ko daw to, and name it na - threesome.. tsk tsk.. neyko talaga..

When I got home, played with Robin, my action star nephew. Ang patunay?

Baby Robin trying to wrestle Tita's hand.. Hehe..



Oooh, I almost forgot..



At binigay na sa akin ni neyko ang pangalawang regalo ko! (The first gift was from Ielle remember?) This is a wireless bluetooth chernakels mouse.. Obviously, nakikita naman kung saan binili kaya kung ikukumpara sa mga OA sa mahal na mouse (mga 1200php daw), mura na ito!

Simula nang huminto ako sa pagtrabaho para mag-aral, doon ko lalo na-appreciate ang pagkakaroon ng pera. Every cent is important. Kaya kahit anong regalo ang ibigay sa akin ngayon, pakiramdam ko ang mahal mahal dahil pinagkaabalahan akong regaluhan ng taong nagbigay sa akin.. kaya para  kay neyko.. salamat! muwah!! =)



Ito yung mga araw na kahit alam mong ang dami dami mong kailangan gawin, alam mong stressed ka na, hinding hindi mo palalagpasin ang mga simple touching little things at pagkakataong ito.




Good vibes to start the month.. MY month!





merci merci..

No comments:

Post a Comment