Showing posts with label Livin' LB. Show all posts
Showing posts with label Livin' LB. Show all posts

July 02, 2012

the one with cyclophobic no more

Masyadong intense kapag sinabing fear of bikes or bicycles.. I was just afraid of riding one. Yes you read it right. WAS. Well, I think I need to qualify or clear that one.

Kung si @pattylaurel merong Travel Tuesday at Wedding Wednesday at si @alessandralanot merong Tuesday Download at Sunday7, kami ng aking GS friends merong Wednesday Wellness. Ok fine ang cheesy lang pero kiber na! Pagkatapos ng maraming chicka, napagkasunduan namin na tuwing miyerkules ng hapon, pagkatapos ng klase namin ni Aya at trabaho ni Kea, magkikita kami para, wait for it... magbanat ng buto! oh yes, let's get physical lang ang peg. Hindi na bago sa amin to. Dati na akong nagjo-"jog" with neighbor sa Ayala Triangle at dati namang belly dancing babe si Aya at zumba hottie si Kea sa kanilang Zumba classes. Pero ngayon lang kaming tatlo magsasama sama para sa ganitong klaseng activity.


Sa totoo lang, hindi naman bawas timbang ang layunin ng wednesdays na ito. Damang dama ko lang na mas marami ang chicka at hagikgikan. Bonus na ang mabanat ang mga buto. Hehe J


Ang unang usapan ay...


Ye: Jogging? Game ako dyan!


Tapos nagkaroon ng bright idea si Aya..


Aya: Biking! Pwede tayo magrent ng bike! *excited*


Ye: Biking? Naku patay tayo dyan..


Kea: Bakit? Hindi ka ba ma-alam mag-bike?


Ye: Actually, hindi ko maalala..