Masyadong intense kapag sinabing fear of bikes or bicycles.. I was just afraid of riding one. Yes you read it right. WAS. Well, I think I need to qualify or clear that one.
Kung si @pattylaurel merong Travel Tuesday at Wedding Wednesday at si @alessandralanot merong Tuesday Download at Sunday7, kami ng aking GS friends merong Wednesday Wellness. Ok fine ang cheesy lang pero kiber na! Pagkatapos ng maraming chicka, napagkasunduan namin na tuwing miyerkules ng hapon, pagkatapos ng klase namin ni Aya at trabaho ni Kea, magkikita kami para, wait for it... magbanat ng buto! oh yes, let's get physical lang ang peg. Hindi na bago sa amin to. Dati na akong nagjo-"jog" with neighbor sa Ayala Triangle at dati namang belly dancing babe si Aya at zumba hottie si Kea sa kanilang Zumba classes. Pero ngayon lang kaming tatlo magsasama sama para sa ganitong klaseng activity.
Sa totoo lang, hindi naman bawas timbang ang layunin ng wednesdays na ito. Damang dama ko lang na mas marami ang chicka at hagikgikan. Bonus na ang mabanat ang mga buto. Hehe J
Ang unang usapan ay...
Ye: Jogging? Game ako dyan!
Tapos nagkaroon ng bright idea si Aya..
Aya: Biking! Pwede tayo magrent ng bike! *excited*
Ye: Biking? Naku patay tayo dyan..
Kea: Bakit? Hindi ka ba ma-alam mag-bike?
Ye: Actually, hindi ko maalala..
Yes, HINDI KO MAALALA. Yun talaga ang sagot ko sa kanila. Pwede ba yun? Hindi ka maalala kung marunong ako mag-bike?! Medyo nag-alangan sina Aya at Kea pero sabi nila, e di subukan mo muna bago ka magrent. So kunwari confident ako..
Okidox. Will bike on Wednesday. Sa loob ng UP.
Seriously? Yes.
Sobrang ready ako na isulat ang tungkol sa aming unang attempt ng fitness first. Ang akala ko usual chicka mode at funny moments namin ang maisusulat ko. Katulad ng mga ito...
O diba akala ko yun ang maiku-kwento ko pero hindi.
I was wrong. This is all about my FIRST BIKE RIDE.
First bike ride dahil ito ang unang pagkakataon ko na magbisikleta mag-isa sa outside world - sa kalsada, sa maraming taong makakakita, sa lugar na hindi ako protektado. Para isang Philippine Eagle na pinanganak sa captivity at makaraan ng ilang taon tsaka palang pakakawalan sa Philippine skies - sa WILD.
Nung sinabi ko sa mga becky girls (yan na ang tawag ko kina Aya at Kea, kasama na rin si Manang Faye) na game ako sa biking, ang daming umiikot sa isip ko. Hindi ko talaga alam kung anong mangayayari sa akin sa hapon na iyon.
Nung nakita ko ang sarili ko na nakakapagbisikleta nga ako, nagulat ako sa sarili ko. Grabe! MARUNONG PALA TALAGA AKONG MAGBISIKLETA!!! Haha. Ernie smile lang ang ngiti ko! Lagpas sa tenga! Kahit gegewang gewang, nakakapagbalase ako at umaandar ako! Ilang metro na ang layo sa akin nina Aya at Kea pero wala akong paki! Sa gitna ng aking mini-celebration, iniisip ko kung bakit nga ba nasabi na hindi ako marunong magbisikleta?
Syang pagdating namin sa may Baker at sinabi ni Aya na tatawirin ang field, doon ko nalaman ang sagot. Noon nag-flashback sa akin ang pagkabata at bisikleta. Ayaw nga pala ng Mame at Daddy na matuto akong magbisikleta. Bakit? Una, ayaw nilang magaya ako sa mga kapatid ko na nung matutong magbisikleta, kung saan saan na nakakarating at kadalasan hindi nila alam kung saan nakakaabot ang mga kapatid ko. Pangalawa, dahil nag-iisa akong babae ng aking Mame, ayaw nya na magasgasan ang aking binti! Ayaw nya akong magkaroon ng mga gasgas at peklat kaya hindi na nya ako pinaturuan sa mga kapatid ko na magbisikleta.
Pero naalala ko, hindi iyon pumigil sa akin. Sumasama pa rin ako sa mga kalaro kong marunong magbisikleta para maturuan ako o kung hindi naman, makaangkas man lang sa kanila.
Nagsimula ang pagtanggi ko sa bisikleta nung mga 8 taong gulang ako. Nung masemplang ang bisikleta ng kalaro ko habang nakaangkas ako sa likod. Resulta noon ang peklat ko sa siko. Hindi na ako umaangkas sa mga "single" bike dahil sa pagkakasugat ko na yun. Sa mga bisikletang may side car na lang ako sumasakay pero hindi ako iniwasan ng disgrasya at nagasgas naman ang braso ko sa isa sa mga gulong na syang sanhi ng peklat ko sa kanang braso malapit sa kamay. Yes, yung peklat na sinasabi kong kinagat ng dinosaur ay peklat dahil sa bisikleta. Hehe.
Dahil sa dalawang peklat, inayawan ko na ang matutong magbisikleta. Dahil sa dalawang peklat nagkaroon ako ng selective amnesia pagdating sa aking pagbibisikleta.
Back to 2012, sa pagtawid gamit ang bisikleta, doon na nagsimula ang struggle ko. Sa mga oras na yon, nahihirapan na ako.
Dahil hindi ako makatingin sa likod kung meron bang papalapit na sasakyan dahil baka bumangga naman ako sa harapan, para akong bulag na nakaalerto ang lahat ng senses. Ginagamit ko na ang pandinig para malaman ang mga jeep na nasa likuran ko. Ginamit ko ang pangdama para pakiramdaman ang balanse ko.
Dahil ang araw na ito ay para sa aming 3 at hindi para turuan ako magbisikleta, hindi ko inobliga ang mga kaibigan ko na alalayan ako. Sa mga oras na malayo na sina Aya at Kea sa akin, naisip ko na ang pagbibisikleta parang ang buhay ko ngayon - kahit anong mangyari, mag-isa ko parin gagawin at tatapusin ang paglalakbay na ito.
Seryoso! Yung mga pagewang gewang ko pero nakakaandar parin parang ung mga pagkakamali hindi ko inaasahang na naitatama ko parin; yung mga malapit ko nang pagsemplang na malapit na akong sumigaw para mangailangan ng tulong pero hindi natuloy dahil nakayanan ko sya ay katulad ng mga panahong namomroblema ako na ma-isa tapos malapit na akong sumuko at ipasa sa kamag-anak o kaibigan ang problema pero hindi natutuloy dahil kaya ko pala, yung akala ko hindi ko alam magbisikleta ay parang katulad ng pagtanong ko sa sarili ko kung kaya ko ba na mag-isa na magugulat ako sa sagot na OO KAYA KO PALA.
I am not saying I can be an island on my own (get it? no man is an island? I am an island since I can do this alone? me? island? ok fine, Ill give it a rest..), I have a good support system (they may not come as a group but my dear family and friends are there for me all the time) I depend / rely on and I will never be the person that I am without them. Pero alam mo ung feeling na ikaw lang ang tatawid ng tulay na nakadepende ang buhay mo sa paggamit ng sarili mong paa.
Ok fine, alam ko. Natuto lang ako magbisikleta kung anu-ano ng koneksyon sa buhay ang ginawa ko. Eh ganun talaga. Sa mga lugar na di mo inaasahan ang halaga ng kung anong meron ka, ng buhay mo.
Sabi ni Kea, isa na ito sa aking LB adventures - facing my fears. So biking ulit sa susunod na wednesday? Siguro hindi muna. Gusto ko munang sariwain ang unang MAPAGPALAYANG karanasan - naks ang lalim lang. Balak kong tumakbo sa unang pagkakataon sa LB. Gusto kong maranasan kung ano ang pinagkaiba ng hangin sa Los Banos, sa Maynila at sa Baguio pagdating sa pagtakbo.
Isa pa, hindi ako nakapag-stretching bago magbisikleta nung miyerkules kaya 2 araw na masakit ang katawan ko. Kaya di ko muna uulitin ngayong linggo ang pagbisikleta. Hehe..
merci merci

![]() |
On our way to the bike rental. Loving the "bag" Kea!J |
![]() |
Got the wheels.J Nakakatuwa, parang katropa lang namin si Manong naka-helmet. Wait a minute, was he actually looking our way?! |
![]() |
Sabi ni Aya: Hay naku baka mamaya e pahinto hinto tayo dahil sa pagtu-tweet pic ni Kea! True enough, hindi pa man kami nakakapedal ng malayo, photo op na! J |
![]() |
Kea tweeted this photo of me with the caption - musta naman ang pag multi-task natin? I may be smiling but there's a rollercoaster of emotions happening inside.. hehe.. |
B R E A K ! ! ! !
![]() |
![]() |
![]() |
O diba, buti na lang at hindi good morning towel ang dala ko kung hindi pwede na akong pedicab driver! Haha. #preciousmoments |
![]() |
To more Wednesdays! J |
O diba akala ko yun ang maiku-kwento ko pero hindi.
I was wrong. This is all about my FIRST BIKE RIDE.
First bike ride dahil ito ang unang pagkakataon ko na magbisikleta mag-isa sa outside world - sa kalsada, sa maraming taong makakakita, sa lugar na hindi ako protektado. Para isang Philippine Eagle na pinanganak sa captivity at makaraan ng ilang taon tsaka palang pakakawalan sa Philippine skies - sa WILD.
Nung sinabi ko sa mga becky girls (yan na ang tawag ko kina Aya at Kea, kasama na rin si Manang Faye) na game ako sa biking, ang daming umiikot sa isip ko. Hindi ko talaga alam kung anong mangayayari sa akin sa hapon na iyon.
Nung nakita ko ang sarili ko na nakakapagbisikleta nga ako, nagulat ako sa sarili ko. Grabe! MARUNONG PALA TALAGA AKONG MAGBISIKLETA!!! Haha. Ernie smile lang ang ngiti ko! Lagpas sa tenga! Kahit gegewang gewang, nakakapagbalase ako at umaandar ako! Ilang metro na ang layo sa akin nina Aya at Kea pero wala akong paki! Sa gitna ng aking mini-celebration, iniisip ko kung bakit nga ba nasabi na hindi ako marunong magbisikleta?
Syang pagdating namin sa may Baker at sinabi ni Aya na tatawirin ang field, doon ko nalaman ang sagot. Noon nag-flashback sa akin ang pagkabata at bisikleta. Ayaw nga pala ng Mame at Daddy na matuto akong magbisikleta. Bakit? Una, ayaw nilang magaya ako sa mga kapatid ko na nung matutong magbisikleta, kung saan saan na nakakarating at kadalasan hindi nila alam kung saan nakakaabot ang mga kapatid ko. Pangalawa, dahil nag-iisa akong babae ng aking Mame, ayaw nya na magasgasan ang aking binti! Ayaw nya akong magkaroon ng mga gasgas at peklat kaya hindi na nya ako pinaturuan sa mga kapatid ko na magbisikleta.
Pero naalala ko, hindi iyon pumigil sa akin. Sumasama pa rin ako sa mga kalaro kong marunong magbisikleta para maturuan ako o kung hindi naman, makaangkas man lang sa kanila.
Nagsimula ang pagtanggi ko sa bisikleta nung mga 8 taong gulang ako. Nung masemplang ang bisikleta ng kalaro ko habang nakaangkas ako sa likod. Resulta noon ang peklat ko sa siko. Hindi na ako umaangkas sa mga "single" bike dahil sa pagkakasugat ko na yun. Sa mga bisikletang may side car na lang ako sumasakay pero hindi ako iniwasan ng disgrasya at nagasgas naman ang braso ko sa isa sa mga gulong na syang sanhi ng peklat ko sa kanang braso malapit sa kamay. Yes, yung peklat na sinasabi kong kinagat ng dinosaur ay peklat dahil sa bisikleta. Hehe.
Dahil sa dalawang peklat, inayawan ko na ang matutong magbisikleta. Dahil sa dalawang peklat nagkaroon ako ng selective amnesia pagdating sa aking pagbibisikleta.
Back to 2012, sa pagtawid gamit ang bisikleta, doon na nagsimula ang struggle ko. Sa mga oras na yon, nahihirapan na ako.
Dahil hindi ako makatingin sa likod kung meron bang papalapit na sasakyan dahil baka bumangga naman ako sa harapan, para akong bulag na nakaalerto ang lahat ng senses. Ginagamit ko na ang pandinig para malaman ang mga jeep na nasa likuran ko. Ginamit ko ang pangdama para pakiramdaman ang balanse ko.
Dahil ang araw na ito ay para sa aming 3 at hindi para turuan ako magbisikleta, hindi ko inobliga ang mga kaibigan ko na alalayan ako. Sa mga oras na malayo na sina Aya at Kea sa akin, naisip ko na ang pagbibisikleta parang ang buhay ko ngayon - kahit anong mangyari, mag-isa ko parin gagawin at tatapusin ang paglalakbay na ito.
Seryoso! Yung mga pagewang gewang ko pero nakakaandar parin parang ung mga pagkakamali hindi ko inaasahang na naitatama ko parin; yung mga malapit ko nang pagsemplang na malapit na akong sumigaw para mangailangan ng tulong pero hindi natuloy dahil nakayanan ko sya ay katulad ng mga panahong namomroblema ako na ma-isa tapos malapit na akong sumuko at ipasa sa kamag-anak o kaibigan ang problema pero hindi natutuloy dahil kaya ko pala, yung akala ko hindi ko alam magbisikleta ay parang katulad ng pagtanong ko sa sarili ko kung kaya ko ba na mag-isa na magugulat ako sa sagot na OO KAYA KO PALA.
I am not saying I can be an island on my own (get it? no man is an island? I am an island since I can do this alone? me? island? ok fine, Ill give it a rest..), I have a good support system (they may not come as a group but my dear family and friends are there for me all the time) I depend / rely on and I will never be the person that I am without them. Pero alam mo ung feeling na ikaw lang ang tatawid ng tulay na nakadepende ang buhay mo sa paggamit ng sarili mong paa.
Ok fine, alam ko. Natuto lang ako magbisikleta kung anu-ano ng koneksyon sa buhay ang ginawa ko. Eh ganun talaga. Sa mga lugar na di mo inaasahan ang halaga ng kung anong meron ka, ng buhay mo.
Sabi ni Kea, isa na ito sa aking LB adventures - facing my fears. So biking ulit sa susunod na wednesday? Siguro hindi muna. Gusto ko munang sariwain ang unang MAPAGPALAYANG karanasan - naks ang lalim lang. Balak kong tumakbo sa unang pagkakataon sa LB. Gusto kong maranasan kung ano ang pinagkaiba ng hangin sa Los Banos, sa Maynila at sa Baguio pagdating sa pagtakbo.
Isa pa, hindi ako nakapag-stretching bago magbisikleta nung miyerkules kaya 2 araw na masakit ang katawan ko. Kaya di ko muna uulitin ngayong linggo ang pagbisikleta. Hehe..
merci merci
Kinabahan ako akala ko may ipopost ka na "borlegi" shot ko! Major WAAAAAG! In fairness, ang dami mong photos! Haha! Nakakaloka lang ang pag sasauli namin kinabukasan ni Aya ng bikes!Di ko rin kineri ang aking lume-leather biking bag! :)
ReplyDeleteNagulat ako sa dami mong pics! Kaya pala ang bagal mo, ikaw pala ang tumu-tweet pic ng fatal! Hahaha! More Wednesday Wellness to come Pedal Pushing Peargie and Kakajing Kajing Kea! :))
ReplyDelete-Biker Babe (wahahaha!)