Bago tuluyang magsimula ang aking 2012 1st sem, humirit pa ako ng isa pang bakasyon. Haha.
Again, North bound. Spent 2 days in Sta Maria, Ilocos Sur and had a day trip to Baguio after.
Me and my college barkada went to Sta Maria to attend the wedding of our beloved whale, hehe, Myleen. Bongga lang ang kaibigan naming ito umuwi sya mula US, she's now based in Los Angeles, para lang magpakasal. O diba? Well just because she is a part of a very traditional family. Kaya kahit mas marami silang magkakapatid ang nasa US na, umuwi sila ng Pilipinas para sa kasalang ito.
Nagkita kita kami nina Marie, Mel and Mei Mei - 3Ms sa Gateway Mall in Cubao to grab a quick (that's the intention) dinner before we head to Partas Terminal.
What food can do to people - Marie, na naman?! Mel - I know, we just love food. Mei Mei (haha, yan na ang bagong tawag ko sa yo) - so "hungry" beaver lang ba ang gusto mong i-project?! |
We took the 11pm Partas bus bound to Abra. Pwede naman kaming sumakay papuntang Vigan o Laoag. Dadaan naman silang 3 ng Sta Maria.
Hindi kami magkakatabi sa bus dahil hindi na kami choosy at naloka lang kami sa ganap sa bus station na parang agawan ng pasahero. Sobrang borlogs din lang ang ganap namin sa byahe. Lastly, nakalimutan kong kumuha ng photo habang nasa bus at unang pagtungtong sa Sta Maria. Yan ang mga rason ko kung bakit hindi documented ang ilang mga kaganapan sa loob ng 10 oras. Haha.
This is us.. Well, sila lang kasi hindi ako kasama sa frame. Trying to settle down before Marie works her make up magic kay Myleen |
Nagpakabusy kami nina Mei Mei and Mel habang nagpapa"ganda" ang aming bride..
![]() |
Busy with M&M's coconut.. grabe, favorite ko to! |
Habang matitino pa ang mga hitsura namin... |
Masarap siguro ang feeling ng ikakasal sa isang historical landmark. Yes, the Nuestra Senora de la Asuncion Church aka Sta Maria Church is a UNESCO World Heritage Site. Bongga lang diba?
![]() |
From the outside. Super ganda nya! |
![]() |
Inside the church: Ang simple lang pero gustong gusto ko ang feel. Parang ung simbahan namin sa San Juan, Bats. |
As the title suggests, I don't have a lot of the ceremony's pictures. Well, except for these...
Manong Ricky and Manang Fel, Myleen's siblings |
Manang Des, another My's Ate and her husband, Manong Albert |
Ngayon ko lang na-realize na wala pala akong matinong kuha ng bride and groom!!! Waaaaah... Look..
Bakit? I know you want to ask me why.. Dahil sa kanila...
L-R: Saning, Mel's little sister, Mel, Mei Mei aka Euni and Bujoi and Cho at the background. |
Sobrang saya ko lang nang makasama at makita ko sila ulit! Don't get me wrong. Nanood, nag-behave at nakinig kahit Ilocano ang misa. All smiles lang talaga ako ng makita ko ulit ang mga taong ito.
After the mass, the reception. Grabe, ang daming tao! Sobrang dami ng tao, nainitan na ako hindi ko na kinaya ang kumuha pa ng mga kaganapan. Kasalang baranggay ito! Not to mention, medyo umuulan pa. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa ganitong klaseng kasalan. Most of the weddings I attended recently had receptions in a garden venue or restaurants. Ngayon na lang ulit talaga ang sa tapat ng bahay ang reception. For me, that is what FIlipino weddings should be. Hehe.
Aside from the nakakalokang madla sa reception, nakakatuwa ang ganap sa bouquet toss. Earlier that day, Mei Mei, Mel and I were talking about our escape plan for that part of the reception. Ayaw namin mag-participate kaya pinag-uusapan namin na once makarating kami sa reception area, magpapakalasing na kami para maging inutil na kami at that time of the program. Sabi ni Marie hindi na kailangan dahil gusto nya sya mag-uuwi ng bouquet. I was not sure kung gusto nya lang iuwi ung bouquet o gusto nya na sya ang susunod. Either way, come the bouquet toss, when Myleen asked us single ladies to come front Bujoi shouted jokingly: Akala ko ba kay Marie na yan? We all chanted that it's for Marie, Myleen played along at walang nagawa ang Marie. Hehe. Marie gets to take home the bouquet, Me, Mel and Mei Mei need not to execute our escape plan, everybody's happy! Win Win approach lang! Hehe
I may have enjoyed myself but one thing's for sure.. hindi mapapantayan, at alam na alam ko lang na masaya ang aking kaibigan sa kanyang special day..
Congratulations Juniel and My.. looking forward sa makukulit na tokang at ulo in the future! J
![]() |
Photo courtesy of the bride's cousin, Jheng Imperial |
merci merci
love it yeye! thanks for sharing (^_^) (umm, mei mei? seriously?!?)
ReplyDeleteHehe, sensya na. Ang lakas lang ng recall kapag mei mei.. :D
Deletemwahaha, malakas nga ang recall pag mei-mei...own it! :D pinagpilitan e...salamat sa pics, kahit puro braso yung iba ... hahahaah :D we should definitely do this more often
Deletesuper like! ahehehe..at naalala ko ung sinabi niyo, na parang birthday ko lang ang kaganapan dahil hindi ako abala gaya ng ibang bride..lolz :D
Deletemasaya talaga ang araw na yan mga tol, lalo pa at narating kau..
yeye, bawal paiyakin ang bride! haha..teary eyed naman ako dito..
lovelove,
your favorite whale