WARNING: ang susunod na tala ay rated spg - super pa-corny grabe. Maaaring maglaman ng eksena na nagtataglay ng sobrang kakornihan pero punong puno naman ng pagmamahal. Nyahahaha.
Sa totoo lang, ang objective ng sleepover na ito ay para makapanood ng mga "wedding" movies na magiging inspirasyon sana ni Liz sa kanyang wedding planning. Pero dahil matagal na syang nagkaroon ng inspirasyon, chill chill na lang ang nangyari sa panonood.
HIndi namin alam kung ano ba ang nangyayari sa isang slumber party. Kaya nga tinawag na lang na sleepover para hindi mataas ang expectations, haha joke lang.
ANG MGA KAGANAPAN...
Nakapagpromise kasi si Neighbor na manlilibre so ang foodams: 5 order ng tapsilog and Pansit Bihon from the one and only Aling Lucy, some rootbeer to drink, small tub of ice cream and snacks.
Akala ng aking mga lovely birthday celeb friends aka april fools, makakatakas sila sa aking pag-a-award kaya...
![]() |
The Neighbor and the Issuechera making their wishes |
Tamang tama lang pala na mayroong group picture bago pa ang lahat...
![]() |
Happy faces before the slumber |
Sa totoo lang, ang objective ng sleepover na ito ay para makapanood ng mga "wedding" movies na magiging inspirasyon sana ni Liz sa kanyang wedding planning. Pero dahil matagal na syang nagkaroon ng inspirasyon, chill chill na lang ang nangyari sa panonood.
![]() |
First movie, The Wedding Planner masabi lang na sinubukan namin ang 1st objective. |
![]() |
Second movie, Da Vao, Ce Bu and Cu Bao este The Vow. Gusto lang namin makita kung gwapo ba si Channing Tatum sa movie na to. |
The highlight of the/my night ay yung nagpatawa si Neighbor. Ay grabe na, as in hagalpak at umiiyak na ako sa pagtawa. Hindi nila ako naawat. Bentang benta lang sa akin ang blooper ni Neighbor.
Liz: Aga kunin mo na ung mga kutson dun sa kwarto ko
**Neighbor umalis ng sala at pumunta sa kwarto ni Liz.**Neighbor bumalik ng sala nang walang dalang kutson
Neighbor: Mamaya ko na kukunin ung kutson kasi ang bigat... may nakapatong na radyo..
**Dead air from Liz and Yeye iniisip kung ano ung radyo na sinasabi ni Neighbor.
Liz: Aga hindi radyo un Yung pusa na unan yun! yung silver.
**Yeye rolling on the floor na sa katatawa. Hindi pa nakuntento kinuha ang radyo este ang pusa para ipamukha kay Neighbor.
Neighbor: E bakit ba mukha syang radyo. Hindi ko binuksan ung ilaw kaya akala ko radyo.
**Shei and Liz laughing, Yeye still rolling on the floor
Actually while writing this segment, Yeye is still rolling on the floor sa kakatawa. Nyahahaha.
The joke may not be as funny when you read it here but swear I had a good laugh. Ang nasabi na lang ni Neighbor sa akin - O bentang benta na naman ako sa yo neighbor, paano na lang ang mundo mo kung wala ako?!
![]() |
Ang salarin - ang radyo este ang pusa. Sabi ni Liz, unan daw sya pero para sa akin stuff toy sya. Pakihanap ang speakers please para kay Neighbor. |
Marami pang tawa at chika ang naganap. Hindi ko na namalayan kung anong oras na nga ba nakatulog.
Nga pala, napagkasunduan namin na ang susunod na activity pagkatapos ng sleepover ay jogging sa park. So ito ang hitsura namin na tumatakbo sa park
We had brunch (too hungry to photo) tapos bumalik sa sleeping area para chumika at magpakita sa virtual world aka nag-check ng fb and other online networks. Pagkatapos nila akong makumbinse na maunang maligo para sumunod na ang lahat, sumugod sa McDonalds para mananghalian (again, too hungry to photo)
To sum it up, we had a good night. Hindi mabigat ang ulo - except for Shei dahil inatake ng migraine pero masakit na talaga ang ulo nya bago sya dumating sa HQ. Sa uulitin.
Come to think of it, I believe that was the first time the four of us had a sleep over at Liz'. As in kaming apat. Madalas kasi kami ni Shei ang nakikitulog kina Liz whenever inaabutan na kami ng katamaran ng pag-uwi sa mga bahay bahay namin. Malapit na ako maniwala kay RJ na parang out of town trip na ang pagpunta sa Las Pinas. Sa tagal tagal na (best) friends ni Liz and Neighbor, it was just last year na nakitulog si Neighbor kina Liz - at katabi ko pa sya sa kutson! Panalo lang ang first time!
Bigla ko naisip, yun na ang ika-apat na tradisyon! Ika-apat? Yes as in 4th. Ang mga naunang tradisyon ay:
FREE FOR THE FIRST TIME
Hindi ko alam kung saan ba nagsimula ang tradisyon na ito. Simple lang. Kung may bagong manliligaw o nililigawan, kailangan ilibre ng manliligaw o nililigawan ang barkada. Syempre ang ibig sabihin naman ng libre sa grupong ito ay libreng pagkain. So kapag nanlibre na e approved na sa barkada? HIndi naman pero siguradong hindi magiging hadlang ang friends sa namumuong relasyon. Pressure points ng tradisyong ito - may impact kung saan mo ililibre ang grupo at dapat hindi pa "official" ang relationship ng isa't isa pero nararamdaman na nila na doon na papunta.
Buti na lang nung piangdaanan ito ni Moks (para sa aming dalawa) e college pa kami so student rate pa ang panlilibre. Ano pa e di value meals ng McDonald's lang ang katapat ng mga kaibigan ko.
BIRTHDAYS ARE LEGAL HOLIDAYS
OA man pakinggan pero importante para sa grupong ito ang birthdays. Bakit?
- Magandang excuse para magkita kita
- Siguradong may pagkain pag nagkita kita
- Siguradong may manglilibre at malilibre pag nagkita kita
Nakatatak na sa kalendaryo ng bawat isa ang birthmonth ng kaibigan. Kaya naman, naka-code red ang mga buwan ng Pebrero, Marso, Abril at Nobyembre (teka kasama ba ang buwan na to?) para sa posibleng happenings. Hindi man sa mismong araw magkikita kita, alam ng bawat isa na kailangan maglaan ng araw para i-celebrate ang birthday ng kaibigan. Syempre, kailangan ipagdiwang ang araw na ipinanganak ang kaibigang ibinigay sa atin ni Lord at Destiny.
Nagkaroon kasi ng pagkakataon na nawalan kami ng komunikasyon sa isa't isa kaya naniniwala ako na paraan ito para makabawi sa mga nawalang panahon
BIN(ONDO) THERE, DONE THAT AND STILL DOING IT
OK fine. Corny lang.
Medyo bago pa ang tradisyon na ito. Nagsimula ito nung 2010. Gustong gusto lang namin makarating ng Binondo at mag-food trip. Naging masaya ang unang pagbisita sa Binondo. Kaya naisip ko na gawin naming tradisyon iyon na sa petsa ng pinanganak si Andres Bonifacio, kasabay naming bibilangin ang taon na magkakasama kami. Dramatic lang! Oh yes, pakana ko ito, at dahil harmless naman ang suggestion na ito - pumayag naman ang aking mga mapagpatol na friends sa tradisyong ito. Kasi wala naman kaming friendship day katulad ni Winnie the Pooh at Christopher Robinson (Ok fine, hindi ko rin alam kung meron nga bang friendship day ang dalawang yun =] ). Tipong eksatong araw kung kailan ba kami naging isang barkada. Hindi namin maalala sa highschool kung kailan ba kami naging isang grupo kaya I suggested na November 30 in Binondo (kailangan November 30 at Binondo talaga) will be the group's day. Medyo hilaw pa ang tradisyon na ito kasi never pang nakasama si Shei at si Paolo (kasama ba to? hehe) sa mga nakaraang pagbisita. Pero syempre umaasa ako na sa mga susunod na taon makakasama na sila. :D Dagdag pa sa pagkahilaw at sa nature ng , pagkakaibigang ito, sigurado akong magkakaroon ng variation ang tradisyong ito, either:
- pupunta ng Binondo pero hindi sa mismong araw ng November 30
- magkikita kita ng November 30 pero hindi pupunta ng Binondo
- hindi magkikita ng November 30 at hindi pupunta ng Binondo pero magkikita sa ibang lugar at ibang araw ng November
CHRISTMAS POT LUCK
"Party?! Magki-Christmas Party tayo?! "
Yan ang laging tanong sa huling buwan ng taon. Akala mo naman laging bago nang bago sa idea e ang ending nagpa-party parin naman. Christmas Party ang tawag sa get together tuwing December. Ang mga "staple" sa araw na ito ay ang HQ (stands for Headquarter if you know what I mean) aka bahay nila Liz, pansit ni Alvin este ni Aling Lucy, cake na laging unang sina-suggest ni Neighbor na dadalhin nya dahil may malapit na Red Ribbon at Goldilocks papasok sa village nila Liz (pero kapag naunahan na namin siya ni Shei sa cake dahil sa magandang strategy, liempo ang pangalawa sa listahan nya), at ang pustahan kung anong oras darating si Shei.
One of the best ways to end the year right, I must say.
Mukha namang masaya diba? I think this is going to be a good one dahil maso-solusyunan nito ang one million dollar question namin tuwing summer - Saan ang outing natin? Don't get us wrong. Shei loves bodies of water while Liz, Neighbor and I love going places - summer na summer lang ang mga passion namin! Yun lang, hindi kami masisipag mag-organize. Like this year, we did not go anywhere and decided to stay at HQ instead. So one summer night it is!
Masarap lang sa pakiramdam - yes, gagamitin ko ung salitang masarap para ilarawan ung nararamdaman ko kahit hindi yon pagkain - ung mga ganitong klaseng tradition. Alam ko na may pagkakataon na hindi namin magagawa ang lahat ng ito sa isang buong taon pero naniniwala ako na makakatulong ito for us to be together. Yikes, lakas ko lang maka-keso!!! Waaaaah!!!
Friends will always have a place in my heart...
merci merci
Friends will always have a place in my heart...
merci merci
No comments:
Post a Comment