February 27, 2012

8 days b4 28: glimpses

So now you know I can have that tamad-ako-magpost moments.. so where did my 10 days go?

Napunta ang 3 sa mga araw na ito sa pagpasok sa grad school, dalawa sa pakikipagkita sa kaibigan at ang natitira ay sa pagkakapraning. Well, I do that on a daily basis so it’s not a surprise anymore.

Ang nakaraan...

Feb 18

Unang beses kong makaranas na maupo sa pinakaharap as in harap na harap as in elbow to elbow si manong driver papuntang elbi. Kilala na ata ako ng ilan sa mga manong HM drivers at konduktor as “ang babaeng ang nagbubuwis ng buhay sa kahabaan ng edsa tuwing sabado umaga makasakay lang sa bus”, kaya hindi na sila nahihiyang paupuin ako sa parteng iyon ng bus. Di naman ako umaangal dahil kapag nag-inarte pa ako at di sumakay, mahuhuli na ako sa klase. Sa susunod kasi ye, gumising ng mas maaga!

upper photo close kami ni manong. lower one – me, manong driver at iba pang mga chance passengers na bus na ito.. hehe :) --- apologies for the crappy photos..

**************************************************

Feb 21  

Pamilyar ba kayo sa panawagan kong ito?


As in wala talagang kalagyan ang craving na ito. Hindi kinaya ng chocolate drink ang craving na ito. Grabe talaga.. kaya...


Feb 24   

Ito ang solusyon sa aking paghahanap..

Underneath is one warm sweetness :)


Ay grabe na – fudge brownie ala mode!! Swear. Isang kutsara lang, solve na ako. Muntik ko nang hindi makalahati kaya buti na lang 65php lang ito. Pagkatapos nun, pakiramdam ko di ako kakain ng tsokolate ng isang linggo.


 **************************************************

 
Feb 25

Yez! Nakaupo ako ng kinuhaan ko ito, partida!

Pangalawang beses sa mahiwagang upuan ng HM bus. Ok fine di ko ka-elbow to elbow this time si manong driver pero sa posisyon kong ito, naging assistant ako ng konduktor dahil ako ang tagaabot ng kanyang mga apparatus at paraphernalia!! Kalurks ka kuya.. One wrong ove at dire-direcho ako palabas ng pintuan.


************************************************** 

Feb 26
It’s Binondo / Divisoria day! Siguro kakaunti lang kaming mga natutuwang pumupunta sa lugar na ito. Marami na akong mga nakasama sa Binondo pero sa kombinasyong Divisoria / Binondo, isa lang ang taong lagi kong kasama dyan – si Jenny!

Nung nagta-trabaho ako sa bangko, lagi naming pinaplano ni Jenny ang magpunta sa Divisoria sa tuwing: midyear bonus para sa aming taunang Divi shopping at tuwing Christmas bonus para naman sa Christmas gift giving shopping. Naiiba ang araw na ito dahil kinailangan ko lang mamili ng ilang mga kagamitan para sa akin nalalapit na piging sa March 4 :)

Syempre hindi ako nakakuha ng mga litrato nung sinugod namin ni Jenny ang 168 shopping mall (sa dalas namin dito ay ito na ata an gaming favourite divisoria place) at Divisoria Mall.

Pagkatapos ng mahabang lakaran sa Divisoria, kahit gaano kami kapagod ay tsina-tyaga naming ang maglakad papuntang Binondo para sa aming food trip. Maraming kainan sa Divisoria pero mas gusto naming tapusin ang araw sa Binondo. Nung unang beses akong nakatungtong sa Binondo, na-inlove na kaagad ako.. dahil sa pagkain! Kapag naaalala ko ang mga Chinese out of the country travels ko (Beijing, Kuala Lumpur and Singapore), naiisip kong pumunta ng Binondo. Kapag walang okasyon, paborito naming kumain sa Dong Bei Dumplings sa may Yuchengco st at sa Wai Ying Fast food sa may Benavidez st. Kapag may kailangan i-celebrate dun kami nag-e-explore ng mga bagong foodie places :)

Happy Jenny

Dong Bei delights - kuchay dumplings and stuffing pancake

Wai Ying goodies - hakaw and siopao asado


Hindi ko nabanggit ang mga araw na feb17, 19, 20, 22,and 23. Ibig sabihin ito ang mga araw na nakatanga ako at napapraning sa  dami ng grad school requirements ko. Headquarters a.k.a bahay lang ang tambay ko nang mga araw na yan.



************************************************** 


I'm looking forward sa aking temporary freedom aka Summer – when classes are over. Marami akong gagawin ngayong summer pero hindi nun kasama ang anumang related sa beach :)

So for the days that passed...


merci merci..

No comments:

Post a Comment