February 16, 2012

20 days b4 28: Most Significant Change

Yesterday, I felt like I was talking to a 70 year old version of myself...

Went to Makati City Hall for a workshop-seminar on story collection in cooperation with the Makati Social Welfare Development for the city's Senior Citizen's program. This is for my DM230 class: Planned Change in Development.

Objective of the day was to introduce the method of Most Significant Change as a qualitative form of monitoring and evaluation that the city government can use for their Senior Citizen's program.

Nerd mode? Para mas madali, chi-chikahin ang mga lolo at lola sa kung ano ang sa tingin nila ang epekto o nagawa sa kanila ng senior citizen program ng Makati.

I have to say, hindi ko in-expect ang mga "tanders" na naka-encounter namin. Well, asa Makati nga naman ako. Bakit ako mag-eexpect ng mga lolo at lola na walang ginawa kundi mag-reklamo na alam na alam ko naman na somehow e iba ang buhay ng mga senior na ito sa mga nasa probinsya at iba pang lugar. 

So ano ang mga nakausap namin?


Mga active seniors at their prime. Pareparehas naman ang mga nakuha naming interviewers na feedback mula sa mga seniors na ito: they enjoy their senior life here in Makati.

Nung una, natatakot akong lumapit sa isa sa mga senior participants. Medyo na-intimidate ako sa kanila. Mukhang sosyal ang mga ito. Senior naman ang lola at magulang ko pero di naman sila ganito ka-bongga.


When Professor Mimi told us to go mingle with the participants and start the story collection, I nervously approach the lola who's in animal print. I picked her out of the 21 seniors dahil sa suot nya: animal printed blouse, her sling bag as if attached to her body and sandals. 


Her name is Teresita G Conlu. She wants to be called Tita Tery and is turning 70 years old this July. Studied in BS Fisheries in UP Miag-ao college, she worked along side where her husband's work assigned him. She had an early retirement at the age of 48 more or less to enjoy the rest of her life with her husband. Now a widow, Tita Tery spends most of her time doing officer duties in the Senior Citizen Office in Brgy San Antonio, organizing projects for the San Antonio Senior Citizen's Chorale and part time lupon in the baranggay as well.

Pagkatapos ng lahat ng dapat na mapag-usapan, nagkukwentuhan na lang kami ni Tita Tery. Tinanong ko sya: Tita, kahit ba hindi ka dito mag-senior sa Makati, ganyan ka parin ba ka-active?

Oo naman. basta gusto nila ung service ko. Sa totoo lang, hindi ko iniisip na matanda na ako. Excited ako nung unang year ko na maging senior ako kasi sa senior office ako ang pinakabata! O diba, ang mga kasama ko sa program puro mga 70, 69 at iba pa. I started early in the SC office dun sa amin kaya, nakakuha ako ng mataas na position at this time.
Ayoko ung nagmukmok sa buhay. Gusto ko lagi akong active...

Sabi ko sa kanya: Alam mo Tita, naalala ko sa yo mame ko. Teresita din name nya tapos ayaw din nya na nababakante sya. Pero tita, mas active ka kesa sa kanya pero mas bata sya sa yo!


Hay naku, kaya ikaw wag mo nang pagurin ang parents mo. Kapag nakauwi na sila, dapat di mo na sila pinag-aalaga ng apo kung hindi naman nila gusto. Dapat i-enjoy din nila ang senior years nila...


That talk with Tita Tery was the HIGHLIGHT of my day. Because she reminded me of mame. Well not just with the name. Dahil parehas nilang ayaw mabakante sa paggawa. Laging may gustong pinagkakaabalahan.


At dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nag-aral sa UP, early retirement, sling bag, shorts and sandals? Nakikita kong pwede syang gumanap na ako sa pelikula kapag future ang eksena sa pelikula. At gustong gusto ko ang disposisyon nya sa pagiging "bata". Gusto kong  ganun ang disposisyon ko pagdating ko sa edad na yun. Sana, MAGING ganun ang disposisyon ko.


20 days from now another year will be added to my age. Pero sa isip at salita, pakiramdam ko bata pa rin ako. Naalala ko napag-usapan namin ng kaibigan namin ni neyko na si Rodgie na parang huminto na kami sa pagtanda. Parehas kaming huminto sa edad na 25. Kilos, hilig at disposisyon, pang ganung edad parin. Syemore damang dama namin ang pagbabago sa katawan, yun talaga ang tumatanda, hindi namin ipinagkakaila yun pero yun lang ang nagpapaaalala sa amin ng tunay naming edad.


Meeting Tita Tery before 28 was surely a good reminder of what was my most significant change. Ano yun? Just BE.




merci merci..

With Tita Tery: Present and Future(?) :)


PS: Thinking of having a barbecue burger hotdog party for my birthday. Whatchutink?

No comments:

Post a Comment