January 28, 2012

life happens while you plan

Nakakaloka ang 2011. Kung isang palabas sa tv ang bawat taon at ako ang bida, isa na akong action star at drama primetime princess sa dami ng mga nangyari sa buong 2011. Parang ako si Via ng Mula sa Puso at ang mga problema sa buhay ang aking Selina (ok fine, lumalabas na naman ang pagka-teleserye addict ko).  Marami akong natutunan sa nakaraang taon. Wala na yatang tatalo pa sa dami ng life lessons na natutunan ko pero kung papipiliin ako, ayoko nang maulit ang taon na yun. Ok na sa akin na marami na akong natutunan sa kanya, please? :)

Sobrang bilis ng 2011 sa akin. Well, yun naman ang gusto ko - ang maraming magawa, ang maraming ma-accomplish, ang maging productive. Hindi ko napansin na mabigat na pala. Bago matapos ang 2011 ang dami kong plano para sa 2012, pero sa hindi inaasahan, hindi pala mangyayari ang mga plano ko. Sa hindi inaasahan, wala na pala akong plano.

Laging sinasabi sa akin ni Marie noon, life happens while you plan. Habang nagpa-plano ka ng mga gusto mong mangyari sa buhay mo, nagpapatuloy ang buhay at hindi mo naiisip na ung pagpapatuloy na un ay makakaapekto sa mga pinaplano mo. Kaya magiging iba ang 2012.

Kung Mula sa Puso ang 2011, mukhang magiging My Binondo Girl ang 2012 - steady lang ang drama at kilig pero alam mong may action.


merci merci..

No comments:

Post a Comment