Sabi ni Kea, ang mga pangarap na gusto mong matupad, ilagay mo sa vision board mo. Old school vision board ay yung kukuha ka ng photos ng mga pangarap mo o sumisimbolo sa mga pangarap mo at ididikit sa isang (illustration, cork, card, whatever) board. Pwede mong kalimutan after mong magawa pero pwede syang magkatotoo nang hindi mo namamalayan. Yez! The Secret lang ang ganap! Dahil sabi ni Kea, hindi mo magiging problema kung paano ito sa yo lalapit o makukuha basta positive ka sa buhay. Syempre, hindi pwedeng aasa ka lang entirely dito at huma-Juan Tamad ka lang diba? Go on with life, stay positive and it will come to you.
More than dreams coming true, mas na-excite ako sa part na mag-iisip ako ng mga bagay na gusto kong ilagay sa vision board! AHA! Yung mga balak kong gawin sa 2012 na hindi ko pa (o pwede ring 'na' dahil sa pagka-unpredictable ng buhay) ang ilalagay ko sa vision board!!
Si Kea kasi masipag at OC pagdating sa mga artsy fartsy crafts kaya bongga ang vision board nya. Sinubukan ko ito pero isa akong malaking FAIL! Maliban sa tinatamad akong maggupit gupit (hindi ko rin maintindihan pero best in home economics ang peg ko nung elementary at highschool e bakit ngayon lazy daisy ang ganap ko?!), it does not reflect what I have in mind. Parang hindi mapantayan ng mga cut outs ko ung ka-bongga-han ng nasa utak ko. Ayoko naman na magpa-print ng mga pictures from the internet tsaka ilalagay sa board dahil parang hindi earth friendly ay wala akong extrag pera for that. So I decided, post it here!
Para dramatic, I created a separate post which is the next one.. =)
merci merci..
No comments:
Post a Comment