January 31, 2012

Dream Job


Naalala ko yung sinabi ng professor ko sa development management nung pinag-uusapan namin ang book ni paolo freire on pedagogy of the oppressed, na ang trabaho daw ay isang pagkakaalipin at tinatanggal daw ito ang kalayaan mo. Tama ba? Basta ang natatandaan ko napag-usapan namin na, parang hindi mo masasabi yung “I love my job” dahil hindi mo maituturing na trabaho ang isang income generating na activity kung nag-eenjoy ka. Sana tama yung pagkakaalala ko. :D

Sino bang ayaw na magkaroon ng “trabaho” na pinapangarap natin?

Simula nung maging “unemployed” ako (yez I know na nakaka-contribute ako sa hindi pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa wala akong trabaho pero hindi ako kasama sa pabigat sa lipunan dahil nag-aaral ako – yung totoong nag-aaral #defensivelang), pinag-iisipan ko kung ano nga bang mangyayari sa akin pagkatapos kong mag-aral. Paano kaya kung papipiliin ako kung anong trabaho ko, ano kaya?





Bongga lang ang mga naisip ko..

Cupcake Baker

Sana maging DC cupcakes din ang business ko.. Source


Lagi kong sinasabi sa ibang tao na wala akong hilig magnegosyo. Naniniwala kasi akong matakaw sa oras ang negosyo at ayokong magpatali sa trabaho sa ganung paraan. If there’s one business I would venture on that would be the pastry, baking industry.  I love cakes!  I love pastries! (One of the reasons why I dream of going to France, para ma-sample-an ang pastry world ala francais). Baking ang isa sa mga paborito kong part ng home economics nung highschool ako at damang dama ko na hindi lang magiging masaya ang baking experiences but therapeutic as well :)


Travel Show Host

No one does it better than Anthony Bourdain

Eat where the locals eat ang peg ni Sir Anthony! Source


Bata pa lang ako, mahilig na akong manood ng mga travel and living shows. Dati ung mga Japanese documentaries lang sa Channel 9 ang pinapanood ko hanggang sa nagkaroon na kami ng cable channels, hayun hello Discovery Living na ang default channel ko sa hamak naming tv. I so love Anthony Bourdain and Samantha Brown of TLC.


Linguist / Language Teacher

Naranasan ko nang maging (pre-school) teacher at alam ko na hindi ako pwedeng maging isang guro. Don't get me wrong. Lagi ko ngang sinasabi na matalino ang mame dahil pinili nya ang isang propesyong laging in demand - ang pagiging guro. Oh sabihin nyo nga sa akin, kailan nawalan ng demand sa teacher?! Pero di ibig sabihin nun na para sa lahat ang pagtuturo - katulad ng hindi para sa lahat ang pagiging doktor o pagiging abogado. and I know for sure that teaching is not for me. 

But when I took french class last year, I decided may be if there is one thing I want to teach (and continuously learn), it has to be languages. Na-inspire lang ako sa aking french teacher. O kung hindi man language teacher, maging interpreter na lang. French or Japanese, kahit di ko pa ito napapag-aralan, pero maganda rin sana kung Filipino ang ita-translate o isasalin ko. Oh ha, pang Ms Universe lang ang pangarap ko! :)

Marami pa akong naiisip - diplomat, burger technician, scriptwriter, kwentista, events organizer, pensyonado, stay sa bonggang home mom at iba pa, pero itong tatlong ung nangunguna sa puso ko. Naalala ko rin na nung bata ako gusto kong maging doktor, chef at businesswoman na kaya ko naman naisip nun dahil sa mga titulo na ikakabit nito sa akin - Dr. Yeye, Chef Yeye... Kaso di pala talaga doon ang linya ko..

Magkatotoo kaya? Sabi nga ni Ielle (actually nakita lang niya ito nakapaskil sa isang grade 4 classroom nung mga highchool kami): 


Dreams do come true if one works hard enough to make them happen..


Watchutink?


merci merci..

No comments:

Post a Comment