Sya po si Paolo, Suma Cum Laude po yan sa Canada
Ito po si Itog, CPA at Magna Cum Laude po sya sa PLM (Pamantasan ng Lungsod sa Maynila)
Si Leiz naman po, Cum Laude po sa UP
Artistic naman po itong si Shei, magaling po mag-drawing at kumanta tsaka po licensed teacher yan.
Ito naman po si Yeye, (pause) gifted po yan...
Seryoso, gifted?! Academic achievements ang inihelera nyo tapos ako gifted?! Sinabi naman nila na if there is one thing na achieved ko daw ay ang maging funny at humirit ng tama. (funny? hirit queen? really? choz!)
So kung ike-claim ko ang pagiging funny na ito, I would like to thank my parents for giving me the genes na may kasamang sense of humor..
Sabi nila nakuha ko ang mga hirit abilities ko kay daddy. Swabe kasi humirit si daddy - parang mga Joey de Leon ang punch lines ni daddy. Funny pa rin.
Sabi ng iba nakuha ko naman daw ito kay mame. Sa totoo, hindi intensyon ni mame ang maging funny. Sa totoo lang, si mame ung disciplinarian simula pa nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko. Pero ung mga hirit ni mame at mga bright ideas nya ang nakakatawa daw. Minsan yung pagiging tarantahin at praning din ni mame ang napagkukunan namin ng funny quotes.
To sum it up, sabi ni Marie parehas kong nakuha ito sa kanila - ang praning mode (from mame) na may kasamang punch lines (from daddy).
As part of my chill and steady 2012, I will be including some quotes and my conversation with my parents which I find funny. Wala akong paki, kung hindi funny para sa buong cyberworld. Ma-commemorate lang ang "other" side ng aking pinakamamahal na magulang.
I remember posting these quotes in fb, pero sa dami ng mga naipost kong status sa fb e malamang na natabunan na sya.
Para sa unang mom and dad's funny strip (syempre mag-iisip ako ng mas magandang title para sa mga moment na ito ni mudak at pudra), ay magmumula sa Survivor Quotes category. Bakit Survivor Quotes?
Naniniwala akong matagal nang ibinabato nila mame and daddy ang kanilang mga intergalactic lines at lately ko lang na-discover ang mga ito. Nagsimula ito ng unang sumiklab ang kaguluhan sa Libya.
Para lang alam nyo, OFW ang daddy ko sa Libya - oh yez, ang bansang nagtrending worldwide dahil kay Muammar Gaddafi - at kasama nya doon ang mame. Kaya isipin nyo na lang ang panic mode ko nung naririnig ko sa mga balita ang mga putukan, at bombahan sa Tripoli kung saan based ang mga daddy. Samaktwid, quotes ito nila mame as war veterans. choz.
And yes, na-experience ko ang hours and hours ng pagda-dial ng phone ma-contact lang ang cellphone nina mame at makausap sila kahit sa loob ng 10 minuto - marinig lang mula sa kanila na Anak, Ok lang kami.
Everyday ang drama kong pagtawag kong iyon sa kanila. Everyday din ang pagtaas ng bill ko sa cellphone. Dumating sa point na kailangan ng putulin ang linya ko dahil na-max out ko na ang limit ng load plan ko:
Ye: Ma, Kamusta na kayo dyan?
Ma: Ok naman kami anak. Kahit nagbo-bombahan e safe naman kami dito sa opisina ni daddy mo.
Ye: Ma, uwi na kasi kayo. Magpalista na kayo para makasabay kayo dun sa mga Pilipinong susunduin ng DFA.
Ma: Oo anak, sasabihin ko yan kay daddy mo. Basta anak tawag tawagan mo lang kami.
Daddy inagaw ang cellphone kay mama
Dad: Bunso, o ano, musta na dyan?
Ye: Daddy, bakit mo ako kinakamusta, ako ba yung nasa giyera? Daddy, uwi na kayo.
Dad: Hintay lang bunso. Basta tawag ka lang araw araw
Ye: Daddy, ang mahal ng tawag kapag araw araw, ikaw ba magbabayad ng load ko?
Dad: E bunso, kahit every other day ka na lang tumawag. Actually ok naman kami, kahit di ka na nga madalas tumawag ok lang..
TOINK. Wag lang magbayad ng load ko.. tsk tsk..
Damang dama lang ang <3
merci merci..
No comments:
Post a Comment