Showing posts with label happy na birthday pa. Show all posts
Showing posts with label happy na birthday pa. Show all posts

April 26, 2012

The one with the april fools


Huli man daw at magaling, pasok pa naman sa buwan ng Abril!

Sila ang aking twin fools - mga may topak sa buwan na pinanganak ng April.

Meet the April Fools: Neighbor and Issue-chera


Ang pagkakaibigan nila parang weather forecast ng PAGASA.. hindi maintindihan! J

Minsan may issue...





Minsan wala..




May issue..





Walang issue...







Madalas, para silang aso't pusa kapag nag-aasaran, pero damang dama ko lang na lambingan lang yun...




Ito ba? Ito ba ang may issue?! Oo kitang kita ko sa mga mukha nyo ang issue *the sound of sarcasm in the air*





So saan nanggaling ang issue issue na yan? 

May kumakalat na tsismis na sila na daw ang tunay na matalik na magkaibigan..


Pero kumalap ako ng mga ebidensya na hindi ito totoo.

April 01, 2012

the one with the vietnamese iced coffee, sleepless overnight and 7 episodes of 5 drinks in a bar

Last Friday, I woke up with a heavy head. Why?


Because I watched 7 episodes of How I Met Your Mother Season 2.


From 1am til 4am, I watched the episodes 15 to half of episode 21 because I can not sleep. Why?


I drank a deadly vietnamese iced coffee with some pho and yummy veggies for Thursday dinner..





At a new discovered place - Ba noi's along Perea st Makati City..





Why is the coffee deadly? The caffeine was too much for me. I just had 1 glass and it brought me one sleepless night. In the words of my neighbor Itog, "Ayaw mo nun, instant overnight!" Neighbor, baka sleepless night yun hindi overnight! 


Well the coffee was good, I must say. Yun nga lang pinuyat nya ako! Tsk tsk. Ok fine, mabilis talaga akong tamaan pagdating sa kape. Yez, I know I know, hindi ko rin nakuhaan ng picture ang sinasabi kong salarin. Um baka busy ako ng mga oras na yun? Pwede..


So you might say, why blame the coffee? Blame the dinner!


So vietnamese dinner. Why?


Because of them..






I decided to treat them for dinner not because of my month long celebration but April's coming and birth month iyon ng aking super friends Neighbor and Liz. Nilibre ko na sila habang kaya ko pa J





So yes. The dinner was because of friends. Ano pa nga ba?

To quote Ted Mosby:
Friendship is a voluntary reflex. It just happens. You can not control it.
 #alamnyona J


For that I say..

merci merci..

March 27, 2012

the one with the d-i-y dinner

Sabi ko sa isa sa mga kaibigan ko, this year was by far the most relaxed birthday celeb ever. Pagkatapos ng 9am class sa elbi, nagdala lang ako ng cassava and tropical pie sa aking mga former officemates sa Makati at umuwi na para sa isang d-i-y dinner!

Yez you heard it right, D-I-Y as in do it yourself. Konti lang naman kami nung dinner - me, neyko, my brother, sister in law, 2 pamangkins, 1 cousin at 1 tita - reason we deviate from our usual birthday food like pansit, lumpia shanghai, liempo and fruit salad among others.  Kahit d-i-y ang peg, I did not work that much in the kitchen because my brother and sister in law prepared almost everything. Happy Relaxed Birthday to me!

My brother and I are fans of TLC Channel 120 in tv cable. Sa dami nang napanood namin na food shows, naisip nya na magkaroon kami ng burger hotdog party para sa birthday ko. Hindi kami nakabili ng mas maayos na ihawan (grill ang kadalasang pagluto sa burgers base sa mga napapanood namin) kaya talagang puchu puchu lang ang version sana namin ng barbeque party. 

WARNING: Food photo heavy dahil hindi naman mahilig sa picture taking ang mga mahal ko sa buhay..

The WORKS

SHOCKS!! Wrong spelling pa yung mayonnaise ko! argh... by the way, we had cheese that day.
Nakalimutan ko lang isama sa photo 
J

We had left over devil's cake and softdrinks. Sa sobrang gutom and katuwaan ko, hindi ko na sila nakuhaan pa ng photo

Hotdog ala Yeye: German Franks, tomatoes, mustard, mayonnaise, pickle relish and lettuce
Walang katorya torya but this is how I want my hotdog 
J

My "d-i-y" plate: hotdog sandwich, tuna pacham (patyamba) pasta and fries J
The food was so good (hindi naman sa pagyayabang) I pigged out! Ebidensya? Namantsahan ang tshirt ko, puti pa naman. Wala sa bokabularyo ko ang salitang dieti kapag buwan ng March.. Haha!

Hindi ko pinarehas ang size ng photo sa iba para di
ma-emphasize ang  mga extra baby fats ko sa katawan. Nyahaha
 

My brother's version of Man Vs Food Challenge food - "Burger-ator" Sandwich. German Franks,
2 burger patties, toppings, sides.. the works! Hindi naman nya naubos. Tsk Tsk.

Dahil chill lang ang dinner na ito, kumain pa kami sa harap ng tv.
Sarap kumain lalo na tungkol sa food pa ang pinapanood - remy of ratatouille!

Sakto lang talaga ang dinner na yun. No games, no complications. That d-i-y dinner was just food and family. Simple but heartwarming.

Syempre, a little something to tease my niece/inaanak..

JC crying over the left over cake - hehe. minsan ang sarap lang kulitin ng mga bata.
 Bad Ninang! 
J
Celebrations are endless..

merci merci..

March 26, 2012

the one with the little big gifts

alam kong alam mo na pagdating ng birthday mo, merong skip sa heart na umaasa na merong something magical na mangyayari para sa yo ng araw na yun. Tipong bagay na mangyayari na magpapadama sa yo na espesyal ka sa araw ng birthday mo kahit alam na alam mo naman na sa 90+ milyon na tao sa Pilipinas e marami kang kapareha ng birthday.

Magical ang mga special moments na yun.

Marami akong magical moments na yan. Hindi lang kasing laki ng gesture na ginawa ng selecta na pagpapadala kay Anne Curtis ng isang box na Magnum, pero kasing bongga naman ang effect sa puso ko – little big gifts.

So ano ang mga ito?


Little Big Gift 1: Good Morning Yeye!
Sa unang pagkakataon, nabasa ni Delamar (from The Morning Rush radio show) ang greeting ko on air! Aba ewan ko na lag kung di pa nya mabasa yung tweet na 530am ng March 7 ko pinadala e 6am nagsisimula ang show nila ni Chico at Gino. Grabe kinilig ako nung marinig ko yun habang nasa HM bus papuntang elbi for my 9am theories class.




Darating din ang panahon para sa mapa-book sign ko rin ang kopya ko ng book nila! Anyhoo, kilig sa 5 second heaven :D

Little Big Gift 2: Happy Lemon, Happy Yeye! 
Niregaluhan ako ni Liz and Alvin ng hindi lang isa but FIVE gift certs from Happy Lemon! Happy Yeye I am!






Little Big Gift 3: Foodams!
Nung binggo day, binigyan ako ni Shei and Rj ng original glazed doughnots (forgot to take a photo :[ ). Sina Liz, Kevin at Itog naman ang nagbigay ng aking birthday cake - Devil's Food Cake from Chocolate Kiss! Yey!


This is heaven for me :D


Little Big Gift 4: I just called to say.. Anak! Happy birthday! :D

That call from mama and daddy na syempre nag-effort para matawagan ako. Pinaalala ko sa kanila nung March 5 na birthday ko ng March 7 para di sila tumawag ng March 6 dahil ang akala talaga nila yun ang araw ng birthday ko (o baka yun naman talaga?)


Little Big Gift 5: Old school cellphone greets..

Mga text and tawag mula sa mga utash! Mas madalas na communication channel na ngayon ang social media kaya parang nakakatuwa na nakakatanggap parin ng text o tawag.


Little Big Gift 6: Treated Like the Dutchess

Ang isa pang nakakalokang magical moment e ang effort na ginawa ng mga bakla kong gs friends na sina Kea at Aya. Sino ba naman ang hindi magugulat na nakapost  sa fb wall mo ang pagbati na ito?! 

by aya - bongga daw ito on the first try na iedit!
by kea - umabot pa ng 3rd draft para maperfect ang makulit na panggulat na ito! KKLK!


Short explanation – kaya daw Peargie ay hango kay Fergie ng Black Eyed Peas dahil pina-partner nila ako dun sa isa naming classmate na si Will.I.Am lang ang peg! Grabe na. Mas naloka ako nung nabasa ko ang mga naganap na eksena habang ginagawa ang kabaklaang ito sa vlaggey ni Kea (read here)



Little Big Gift 7: Nakakatunaw ng puso..
Isa pang creative pagbati ang sumambulat sa fb wall ko ay ang galing sa super human na si Euni! 

Para sa isang tao na mahilig mangarap
Ako naman ang mangangarap para sa yo
Na sana hindi ka mapagod o mabato
Kahit may mga pangarap na hindi nagkakatotoo
Mangarap lang ng buo ang yong puso
at balang araw ang mundo ay mapapasaiyo

Maligayang Kaarawan, Yeye!!

Awww. Ako! Ako yung nasa picture! Self portrait!i  Akong ako yung nasa photo eh – kulay, anggulo, lahat na! Sarap talaga makakila at magkaroon ng creative friends. Feeling ko tuloy pati ako creative! Haha! Kidding aside, I am very happy Euni made this one for me. I was about to "lose it", but this one reminded me not to give up. Super thanks Euni! Love this one so much! *hugs*


Little Big Gift 8: Glorious Greets

So glorious talaga? haha.. And last but not the least.. ang mga ito! 








Sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga pagbating ito? Hindi ko naisip na marami pala ang babati. Naniniwala naman akong hindi naman nila obligasyon na batiin ako kahit nag-a-alarm na sa mga facebook accounts nila na Yeye’s birthday is today.

Looking closely, hindi materyal na bagay ang mga nakuha ko ngayong taon. Naisip ko nga, bagay na bagay sa akin ang lahat ng mga naibigay sa akin dahil wala din naman akong pera. Pero sa lahat ng natanggap ko, hindi ko naramdaman na tinipid ako. Mas mahal pa ang mga ito sa isang box na magnum na pinadala kay Anne Curtis (so di talaga ako maka-get over sa libreng isang box considering hindi naman nakikipagcompete sa pabonggahan). Mas mahal pa at mahirap suklian ang mga ito dahil sa pagiging priceless nila.

Sinabi ko nung nakaraan na hindi ko kayang daigin ang birthday ko ng 2011. Totoo. Hindi ko nadaigan dahil kayo (yes you, na naging bahagi) ang gumawa ng paraan para mas maging bongga ang pagsalubong ko sa edad na 28.

Walang katapusang..




merci merci..

March 24, 2012

the one with the bingo stars


The one with the bingo stars

In a few days, March will be over.

Kaya naman kailangan ko nang i-post ito. Grabe na. Ako na si Ms Tamad talaga.

My intergalactic space is for life happenings and celebrations.

March 4 – I asked my friends to come and celebrate the day with me kahit hindi ko pa nga birthday.

Pagkatapos ng pagsaludo ko sa dalawang bonggang kaibigan at nang alam kong pawis na ang mga kili kili ng mga utash, bingo na!

Happy faces

Happy faces kahit pawis na ang mga kili kili! J


Game plan: 5 binggo games
Prizes: mga chipanggang souvenir galing sa SG, KL, BKK at BJNG (hulaan nyo kung anong lugar ito... nyahaha) teka meron din palang galing VGN, SGD at SBC! Haha.
Grand Prize: Tumatagingting na 100php gc ng starbucks.
  
Presenting.. ang mga seryoso sa bingo! Lumalaban para sa mga papremyong halagang bente pesos!  

March 07, 2012

vingt huit - ahlavit!

And that is the fall of my career on witty comments.. career talaga?! ganito siguro kung unemployed ang isang tao, lahat ginagawang career! =D E ano bang magagawa ko kung sa title pa lang e fail na ako, haha..




Today is the original cake day! My day!






Another year, another yeye..


merci merci..

February 13, 2012

coming soon: i think therefore i am 28

**I so fail pagdating sa title ng posts.. haha..


Kung meron mang taong excited sa salitang birthday.. AKO YUN!


Yung iba, ayaw na dumadating ang araw ng kapanganakan nila. Kesyo pinapaalala lang nito na tumatanda lang sila, gastos lang ang araw na yun at kung anu ano pa. Pero ako? Hay naku, kalabaw lang ang tumatanda an birthdays should be celebrated! Sabi nga ni KC Concepcion sa commercial nya: Age is just a number and young is an attitude! :)


Alam yan ng aking best bud / pwede na ring kababata - Rose aka Ielle. Every new year, since highschool, Ielle would always remind me: "O ano, nagka-countdown ka na ba?"


So from today, 23 DAYS TO GO!!!


February 12, 2012

happy na birthday pa! shei's 27th

Super delayed post.. Sabi nga ni Itog: I Know Right!


Feb 2 = Birthday ni Shei. Bago dumating ang araw na ito, nakapag-usap usap na kami.


Matinding pagpaplano ang naganap sa balak na masorpresa lang si Shei


Plan A


Itog: I-surprise natin si Shei sa birthday nya!
Liz: Paano?
Ye: Weekday kaya birthday nya, pupuntahan natin sya sa Cubao? Tsaka di ba sya uwi ng Montalban?
Itog: Pwede rin..
Liz: Pwede na ba kumain si Shei? (Maysakit kasi si Shei ngayon na related sa kanyang ngipin. Mahabang kwento)
Ye: E di  tanong mo kay RJ
Itog: E di kung mahihirapan syang kumain e di fruits na lang regalo natin sa kanya
Ye: Wow neighbor* sosyal, bibigyan natin ng fruit basket si Shei?
Itog: Anong fruit basket?! Yung mura lang no. Ung sakin, Ponkan na tig 10 pesos isa. 3 (pcs) ok na sa kanya yun diba?
Ye: Lang ya ka neighbor! Balak ko pa naman 3 pcs na mansanas sa SM, mga 100 pesos yun tapos sa yo tatlong ponkan lang?!
Itog: E tipid mode ako ngayon eh
Ye: at dahil si Liz ang may pera sa atin, 1/4 kilo na ubas sa kanya...


Plan B - Kinarir na Liz ang pagpaplano


Liz: Rj, balak namin i-surprise si Shei ng dinner sa birthday nya. And kailangan namin ng tulong mo..
Rj: Sige ano bang magagawa ko?
Liz: Basta papuntahin mo sya sa kung saan kakain tapos andun na kami isu-surprise namin sya..
Rj: Ok sige. Maganda yan!


Liz: O saan natin ikakain si Shei?
Ye: Wag sa masyadong mahal ha. Student rate lang ako.. Pero wag sa Mcdo.
Itog: Oo tipid mode din ako.
Ye: Pero sana ung mapagsisilbihan rin tayo
Itog: KFC?
Liz: Ano ka ba Ga (yun ang tawag ni Liz kay Itog), gawin naman natin special para kay Shei. Aminin nyo marami tayong utang sa kanya. Siguro tipong mga Max's, Aveneto..
Ye: Gusto ni Shei sa Aveneto. Mahilig yun sa pasta! 
Liz: E medyo maingay sa Aveneto..
Ye: O sige sa Max's ako.
Itog: Ayoko sa Max's
Liz: Alam ko na! Alam ko na kung saan!


Liz: Rj pagkatapos ng pagkahabang habang diskusyon e naisip na namin kung saan.
Rj; Ok sige maganda yan. Simula ngayon wag nyo muna syang i-text or kausapin para lalo sya magulat
Liz o Itog nakalimutan ko na kung sino ang nagsabi sa kanilang dalawa: Wag kang mag-alala di naman namin masyado nakakausap si Shei lately... hehe..


At saan naganap?