I always stay at home during holy week. I usually spend it with my family trying not to get into each others nerves. Naisip ko tuloy yun na yung pinakapenitensya namin ng holy week, hehe. Ok fine, kahit ganun yung mga yun I would rather have bad times with my family than spend good times being alone. Drama? Anyway.. Since you know by now that my family's not together, I spent the holy week here at home watching movies na sobrang tagal na sa hard drive ko, inaamag na sya. I also watched a lot of episodes from How I Met Your Mother but I must say that the only episode that made me cry was the one with the Last Words from Season 6.
I don't want to stress myself with the summary of the episode so got it instead from tv-links.eu:
The gang heads to Minnesota for Marvin's (Marshall's dad) funeral, helping however they can and each pondering what the last words from their father would be if he died right now. Meanwhile, Marshall is agitated upon discovering his high school bully will be the minister for the service.
I must say that this episode really made me cry, just because it's a daddy moment.
Everybody who knows me knows that I am such a daddy's girl. Don't get me wrong, I love my mame so much but my daddy "spoils" me more than mame so we had more times together. Hehe.
Cry me a river lang ako sa tuwing makakapanood ng movies about daddies and their love for their kids. Because I know I am his favorite. Hehe. Not because I'm his only girl but we have small talks that he never had with my brothers.
There are daddy moments that I will not forget. One of them is my daddy's support when it comes to my education. Hindi ba obvious? Hindi lahat ng tatay supportive sa 28 year old nyang anak na tumigil sa pagtrabaho para bumalik sa pag-aaral.. ng masters. Aside from that, he would always want me to excel in my studies, kaya nung bata ako lagi nya akong kinukumbinse na makinig sa Mame dahil teacher ang Mame at alam ng Mame ang dapat na direksyon ko sa school.
Sobrang involved sya lalo na nung papasok na ko sa college. Gustong gusto ni daddy na makapag-aral ako sa UP. Kahit sinabi ko sa kanya na hindi ako susubok mag-exam dahil hindi naman ako confident (back then I thought UP is for geniuses lang talaga), but he insisted that I take the exam and he will pay whatever fees needed just to try my luck. Nung highschool ako walang projects nakukuha ang daddy ko kaya he converted our old fx into a taxi para makabyahe sya. To pay for my entrance exam fees (took UST. UPCAT and PLMaynila exams), he drove extra hours para hindi mabawasan ang boundary. My examination day was on a Sunday. Inumaga na ng uwi si daddy sa kakabyahe para hindi sya bumyahe sa araw ng exam day ko. Saktong sakto ang dating nya para sunduin ako sa Las Pinas (where we lived at that time) at ihatid ako sa Diliman. He parked somewhere at bumawi ng tulog habang nag-e-exam ako. Pagkatapos ng exam, sobrang drain na drain ako, pero sinalubong nya ako, nakangiti, as if alam nyang makakapasa ako. Partida, wala syang pakialam kung anong kinuha kong course basta sa UP ang gusto nya. Kaya kahit dadayo pa ako ng Baguio, magkaroon lang ng UP sa pangalan ko, ginawa ko para kay daddy. Medyo mayabang kasi ang daddy ko kaya alam ko na gusto nyang isama sa listahan ng ibibida nya na may anak syang nag-aral sa UP. Asa Libya na si Daddy nung ibinalita ko sa kanya na sa UP ako mag-aaral.
Minsang umuwi sya ng Pilipinas, binisita sya nya ako sa Baguio, instant hit sya sa mga kabahay ko. Maliban sa nililibre nya kami ng pagkain (big deal na yun para sa mga estudyante, makatipid sa allowance), natural na palakaibigan at komidyante ang daddy. Minsan isang tanghaliang nagluto sya at kasalo nya ang mga kabahay ko (hindi ako kasali sa eksena dahil asa school ata ako):
Daddy: Alam nyo ba na sa Libya nakakain na KAMI ng camel.
Kabahay 1: Wow Daddy Camel?!
Kabahay 2: Talaga daddy nakakain KAYO na ng camel?
Daddy: Ah SILA lang hindi ako kasama...J
Kaya sigurado ako hindi siya makakalimutan ng mga kabahay kong nakilala sya.
After college, pinilit ni daddy na makapunta ako ng Libya. As in pinilit nya na ikuha ako ng visa sa company na pinagtatrabahuhan nya para makarating ako dun, kahit bakasyon lang. Naalala ko sinabi nya: Kaming apat na kapamilya mo nakatungtong na dito, dapat ikaw din. Sa kagustuhan nyang makita ako after how many years.
Madalas kami mag-usap ni daddy sa ym, minsan panay kalokohan. Lagi nya binibida sa akin na gusto nyang bumalik sa Switzerland kahit na yung una naman nyang pagtapak sa Switzerland ay sa airport lang at connecting flight papuntang Manila.
Sa tuwing nandito si daddy sa Pilipinas, lagi nya akong ipinagluluto ng mga paborito kong ulam. Magaling si daddy magluto ng seafood, Filipino food at mga pa-cham (pachamba). Kaya kahit nung nagtatrabaho na ako noon sa bangko, talagang nagbabaon ako ng mga niluto nyang ulam at lagi nyang titingnan kung naubos ko ba kapag nakauwi na.
Sa tuwing nasa ibayong dagat naman si Daddy, sa akin naman sya nagyayabang sa pamamagitan ng pagpapadala nya sa akin ng mga pictures nya sa construction site. Believe me, yung iba OA na, tipong "ito yung mga hollow blocks na ginagamit namin", "dito ako natutulog" tapos literal na plain kama lang ang nasa picture at kung anu ano pa...
Hindi ko man namana sa Daddy ang pagiging friendly - tipong iwanan mo sa kalsada ng ilang minuto pagbalik mo kaibigan na nya ang kung sino man ang naabutan nya - siguradong nakuha ko sa kanya ang pagiging ambisyosa. Kaya sa tuwing nagkakausap kami sa ym, lagi nya kong tinatanong kung nakakaipon na ba kami para sa dream house nya malapit sa dagat na pwede syang mangisda ng ulam nila ng mame sa retirement home nila.
Kaya naman nung napanood ko yung episode na namatay ang daddy ni Marshall, hindi ko naiwasang umiyak. Kasabay pa nun, habang nanonood ako ibinalita sa akin ng aking gs friend na si Kea na na-stroke ang tatay nya at hanggang ngayon ay hindi pa ganun umaayos ang kondisyon sa ospital. Lalo pa akong nahabag ng sinabi sa akin ni Kea: Ye, nung sinugod ko si tatay sa ospital, sinabi ko kagad sa kanya na mahal na mahal ko sya habang may malay pa sya...
Ang galing lang ng timing, na bigla ako napaisip.. ano nga ba ang last words ni daddy sa akin..
Buong araw kong inisip yun. I love you ba? Ingat ka palagi? Kamusta schooling mo?(oo ganyan kamustahin ni daddy ang pag-aaral ko).
and it came to me... isang emoticon ang huling message sa akin ng daddy. Isang :-* at maraming *hugs*.
Walang kapantay ang mga daddy moments ko.
Matawagan nga para maging tama ang last words nya sa kin.
merci merci
![]() |
Example ng mga pictures ni Daddy na pinadala nya sa akin. Mahilig siya sa mga background na kuha. Para pag nagkwento daw sya, maaalala nya. Hay daddy.. |
this post made me laugh... and cry ;p
ReplyDelete