Huli man daw at magaling, pasok pa naman sa buwan ng Abril!
Sila ang aking twin fools - mga may topak sa buwan na pinanganak ng April.
Meet the April Fools: Neighbor and Issue-chera |
Ang pagkakaibigan nila parang weather forecast ng PAGASA..
hindi maintindihan! J
Minsan may issue...
Minsan wala..
May issue..
Walang issue...
Madalas, para silang aso't pusa kapag nag-aasaran, pero damang dama ko lang na lambingan lang yun...
So saan nanggaling ang issue issue na yan?
May kumakalat na tsismis na sila na daw ang tunay na matalik na magkaibigan..
Pero kumalap ako ng mga ebidensya na hindi ito totoo.
Exhibit A: Lugar nila sa isa't isa
Sa tingin nyo, sino ang "extra" sa photo na to? Syempre yung nakatayo! Kasi ang tropa nya ung kaakbay nya! J Which means, sabi ni Destiny, magkatabi dapat ang tunay na magkaibigan! J
Exhibit B: We belong together.. nyahahaha...
Sa exhibit B.1 maaaring normal at pwedeng maganda ang kuha na ito
Exhibit B.2 - Sino ang hindi belong sa photo na ito?
Exhibit B.3 - Kung ikukumpara sa exhibit b.2, kitang kita na feeling at home at belong na belong si neighbor sa soon to be married couple dahil kiber na kitang kitang pinag-iinteresan ang pagkain ng iba!
Exhibit C: Inch by inch we're moving closer...
Ewan ko na lang. Sa closeness na ito, pwede na kayong kunin ng Close-Up para maging commercial models as super close na friends!
Sa lahat ng mga nailatag na katibayan, hindi ibig sabihin nito ay matatapos na ang issue na yan. Sila pa! E parehas ayaw patalo! Kaya tinanggap ko matagal na, na hangga't kaibigan ko ang dalawang may topak na to - hindi kami (o sila) mauubusan ng issue na pag-uusapan. Kesa naman wala nang issue e di naging boring ang friendship na to?!
This is just to remind these two crazy heads na sa kanilang dalawa nagsimula ang lahat lahat.. believe me.. wala pa ako sa eksena, may crazy heads na!
************************
So bakit ko pinaglalaanan ng aking intergalactic space ang dalawang crazy crazy heads na ito? Dahil syempre nahawa na rin ako sa kanila! Nyahaha. The past lucky 13 years of my life sila ang kasama ko. Kahit pinaghiwalay na kami ng UP at ng PLM, wala silang nagawa, nakita parin namin ang daan papunta sa isa't isa.
THE NEIGHBOR
Kung anu ano na ang naging
tawagan namin sa isa’t isa – pinsan, ateng and bebe girl, ye and itog, me and Marcus,
echusera ng isa’t isa (o diba daig pa namin ang magjowa sa mga endearment na damang dama ko naman e
hindi paglalambing kung hindi makapang-asar lang) hanggang sa naging neighbors. Paano nga ba naging neighbor? Isang walang kakwenta kwentang araw ng kalokohan nun sa
bahay nila Liz, kasama ang dalawa nyang pinsan na si Gabby at Miguel. Katulad
ng dati, walang humpay na naman ang energy ni Itog kaya hagalpak na naman kami
sa pagtawa at pagpapalitan ng kulit. Biglang nabanggit ni Gabby: Magkapitbahay
ba kayo? Sabay turo sa aming dalawa ni Itog. Tumawa na naman kami dahil naloka
kami sa reference na yun ni Gabby. Naisip nya siguro dahil hindi pa kami
umaalis ng bahay e sabay at iisa kami ng inuuwian o baka dahil ang akala nya e birds of the same feathers are neighbors? Nyahahaha.
Sa totoo kong buhay na ilang
beses na akong nagpalipat lipat ng tirahan (for the nth time na uulitin, tumira
na ako sa Novaliches, Las Pinas, Baguio and Pasig City tapos sa Pasig nakatira
na ako sa 3 baranggay) never akong nagkaroon ng neighbor: yung kapalitan mo nang suka, ung ipagkakatiwala mo yung
bahay mo kapag umaalis ka, magagalit ka dahil maingay ang mga aso nila, yung
aawayin ka dahil ang lakas ng sound trip at videoke mo, yung aabutan mo nang handang
ulam dahil may bertdeyan at higit sa lahat, alam mo yung apelyido ng katabing
bahay mo. Dahil hindi ko china-chummy ang mga kapitbahay ko dahil iniisip ko, hindi naman magiging mataagal ang relasyon ko sa mga ito kaya ayokong maging attached.
Kaya siguro ibinigay sa amin ni Destiny (Oo, tao ang turing ko sa tadhana)
ang joke na yun ni Gabby para magkaroon ako ng kapitbahay – yun taong kahit
hindi mo madalas makita e madalas mong nakakausap (salamat sa bbm), kahit ilang
araw ka nang nakakulong sa bahay at bagot na bagot ka na, nakaktawa ka pa rin
(salamat sa bbm), na in some point parang kaparehas mo ng pinagdadaanan sa buhay
dahil siguro parehas kayong may hindi maintindihan na mga kapatid – na minsan
alam mong may kaparehas ka na ayaw mong umuwi ng bahay dahil ayaw mo yung
uuwian mo.
Naiinggit ako sa ibang tao na may
“hometown”. Sabi siguro ni Lord at ni Destiny: Kahit hindi mo alam kung saan ka
pa dadalhin ng mga paa mo, bibigyan na kita ng kapitbahay na kahit saang sulok
ng mundo pa yan, magiging neighbor mo.
Neighbor, my favorite Pinoy Henyo partner: Lokang loka lang ko kapag ikaw ang partner ko sa game na ito. Kahit normal mode ang fez mo, natatawa parin ako sa yo! J |
Neighbor, my "running" mate: Hinding hindi ko makakalimutan ang pagtakbo takbo natin sa gabi at ang "site seeing" activity natin habang nagpapapawis! J
Oh yes ito na ang pinakamatino nating photo together dahil ito lang ang photo natin together!!!!
Neighbor Super Maraming Salamat: sa pagpatol sa mga jokes ko (Liz wag ka na umangal. Kahit gets mo yung jokes ko, hindi ka pumapatol dahil mas bet mong patulan ang jokes ni neighbor), sa pakikinig sa mga gadget dreams natin, at sa paggawa mo ng kasalanan na ipakilala sa akin si Moks.
THE ISSUE-CHERA
Isa lang ang alam ko – sya lang
ang pwede kong kausap na walang transition from one topic to another at
maiintindihan namin ang isa’t isa. We are not one of those who complete each
other’s sentences. Maloloka sya kung ganun ang friendship namin. Hindi ko sya
kapatid, pinsan, neighbour, best friend, evil twin sister. Iniisip ko kung ano
nga ba sya sa buhay ko – but all I could think of is that she is my editor.
Nagsimula kasi yun nung
kinailangan ko nang mag-e-edit ng research paper ko na ipapasa sa grad school. Maswerte
ako at merong Liz na nag-edit ng paper ko samantalang yung mga kaklase ko,
naghanap pa talaga ng kakatay ng papel nila, tipong editor by profession ang
ganap. Nung tinanong ako kung napa-edit ko daw ba sa editor ang paper ko, mayabang
ako. Sabi ko: Oo naman. Magaling yung editor ko, cum laude na – libre pa ang
pa-edit! Kahit duguan bumabalik sa akin ang paper kong inedit ni Liz, sasabihan
nya ako na: Ye, di pa masyadong pulido
pag-edit ko dyan ha. O, panis lang ako/kayo sa editing skills nya.
Hindi ko napansin na sa tagal
tagal nang magkaibigan kami ni Liz, matagal ko na pala syang editor talaga. Hindi
lang mechanical editing – pati substance ng papel at buhay ko, nae-edit din
nya. Sabihin naman ng iba, controlling o know it all ang ganap nya sa buhay ko.
Pero maniwala ka man sa hindi, meron kang isang kaibigan na titingin si bigger
picture ng buhay mo at nanaisin nya na itama yun base sa kung paano mo
binubuhay ang sarili mo. Kailangan mo nang isang rasyonal na tao. Yung ibibigay
sa yo yung tamang sagot sa tanong at hindi yung magandang sagot. Para sa akin –
si Liz yun. Malabo ba?
Wag kayong mag-alala. Normal
syang tao. Parang si neighbour, half monster, half human. Hehe.
Issue-chera, seryoso mode: Kung maunahan mo akong kuning ninang ng anak mong babae (remember, di ako pwede magninang sa baby boyJ), ikaw ang unang magsusubo ng first meal/food ng anak ko para mahawa sa katalinuhan mo.. Oh yes, me and my superstitions J |
Issue-chera, my favourite foodie in crime: kahit may mga loyalty pagdating sa flavour ng kape, masarap kasama sa lafangan! and speaking of kape...
Issue-chera, my coffee buddy: wag lang antukin, masarap na kasamang magkape lalo na’t madalas may kasamang brainstorming at chicka mode.
So bakit Issue-chera? Bet ko lang namin tawagin ni neighbor na tawagin syang ganun kahit wala naman syang issue. Hindi maganda ang catch ng title kung the editor ang
ilalagay ko diba?
J buti na lang may maganda tayong kuha together.. kami ni neighbor, WALA!!!
Lizzie, Super Maraming Thanks: sa pag-appreciate ng kung ano at meron ako, sa laging pag-alala sa akin at kung naging praning ka lang napalitan mo na ang nanay ko sa oa sa pag-care at sa patuloy na pag-intindi sa mga life choices ko.
Para sa neighbor at sa issue-chera, happy birthmonth crazy crazy heads!!
I wish you more blessings and good health hanggang sa umabot tayo ng 92!!
I wish you more blessings and good health hanggang sa umabot tayo ng 92!!
Nyahahaha
Nakakahiya ang kuha na to!!! Ito lang photo nating 3 na meron ako, rawr. |
For all the things..
merci merci
No comments:
Post a Comment