March 21, 2012

mame + daddy: belo-fied

as usual, nagsimula ang lahat sa isang phone call..

kring.. kring.. kring..

Ye:     Hello?
Dead Air. 
Ye:    Hello Ma! (Yez, alam kong galing Libya ang tawag na yun kapag may 
Ma:   Anak! Musta ka na? Konti lang ng load ko, sandali lang ito.. (at dito na nagsimula ang walang hanggang habilin ng nanay ko sa kung anu-ano sa buhay. Pero hindi yun ang punch line)
Naririnig kong nagsasalita sa background si Daddy.
Ma:    Hindi mo sya pwede kausapin kasi nagmamaneho ka! Konti lang ang load ko! (pero ibinigay parin ng mame ang cellphone nya sa daddy para makausap ako)
Dad:  O bunso, musta? Inasikaso mo ba ung mga pinapagawa ko sa yo?
Ye:     Oo daddy, wag kang mag-alala.
Bago pa makapagsimula walang hanggang habilin version ni daddy ay naagaw na ng mame ang cellphone.
Ma:   O sige anak, lagi ka mag-iinga, lalo na kapag pasok sa school. Pag nakauwi na ko dyan.. (ito na ang punch line) Magre-reduce ka na. Pupunta tayo dun sa Sexy Solutions at magre-reduce na tayong dalawa.. Kumain ka ng maraming prutas at gulay ha at mag-exercise ka naman! O sya sige. Ingat ka palagi. Magse-sexy solutions tayo... (fade til out dahil naubos na ng mame ang load nya)

SEXY SOLUTIONS? Ma, SERIOUSLY?! As in BELO?! Sabi ng mga kaibigan ko, "ayaw mo nun, supportive ang mudra mo?". Sabi ko naman "maganda sana yun kung meron kaming ganung pera para ipang-Sexy Solutions!" Bakas na bakas lang sa mga salita ng nanay ko na sya ang desperado sa pagbabawas ko ng timbang at nangangarap pa ng Sexy Solutions. NKKLK! Napaka-specific! Hindi lang basta Belo, Sexy Solutions kailangan?! But no, marami pa akong "mag-reduce ka na anak moments".  More to come, if you want.

Bigla kasi naputol ang linya at hindi na ako nakabawi.

Ngayon alam nyo na kung bakit nangangamba ako sa tuwing tutunog ang landline phone namin, dahil mas madalas sa hindi, it's my mom with all her "loving" habilin..



merci merci..

No comments:

Post a Comment