Feb 2 = Birthday ni Shei. Bago dumating ang araw na ito, nakapag-usap usap na kami.
Matinding pagpaplano ang naganap sa balak na masorpresa lang si Shei
Plan A
Itog: I-surprise natin si Shei sa birthday nya!
Liz: Paano?
Ye: Weekday kaya birthday nya, pupuntahan natin sya sa Cubao? Tsaka di ba sya uwi ng Montalban?
Itog: Pwede rin..
Liz: Pwede na ba kumain si Shei? (Maysakit kasi si Shei ngayon na related sa kanyang ngipin. Mahabang kwento)
Ye: E di tanong mo kay RJ
Itog: E di kung mahihirapan syang kumain e di fruits na lang regalo natin sa kanya
Ye: Wow neighbor* sosyal, bibigyan natin ng fruit basket si Shei?
Itog: Anong fruit basket?! Yung mura lang no. Ung sakin, Ponkan na tig 10 pesos isa. 3 (pcs) ok na sa kanya yun diba?
Ye: Lang ya ka neighbor! Balak ko pa naman 3 pcs na mansanas sa SM, mga 100 pesos yun tapos sa yo tatlong ponkan lang?!
Itog: E tipid mode ako ngayon eh
Ye: at dahil si Liz ang may pera sa atin, 1/4 kilo na ubas sa kanya...
Plan B - Kinarir na Liz ang pagpaplano
Liz: Rj, balak namin i-surprise si Shei ng dinner sa birthday nya. And kailangan namin ng tulong mo..
Rj: Sige ano bang magagawa ko?
Liz: Basta papuntahin mo sya sa kung saan kakain tapos andun na kami isu-surprise namin sya..
Rj: Ok sige. Maganda yan!
Liz: O saan natin ikakain si Shei?
Ye: Wag sa masyadong mahal ha. Student rate lang ako.. Pero wag sa Mcdo.
Itog: Oo tipid mode din ako.
Ye: Pero sana ung mapagsisilbihan rin tayo
Itog: KFC?
Liz: Ano ka ba Ga (yun ang tawag ni Liz kay Itog), gawin naman natin special para kay Shei. Aminin nyo marami tayong utang sa kanya. Siguro tipong mga Max's, Aveneto..
Ye: Gusto ni Shei sa Aveneto. Mahilig yun sa pasta!
Liz: E medyo maingay sa Aveneto..
Ye: O sige sa Max's ako.
Itog: Ayoko sa Max's
Liz: Alam ko na! Alam ko na kung saan!
Liz: Rj pagkatapos ng pagkahabang habang diskusyon e naisip na namin kung saan.
Rj; Ok sige maganda yan. Simula ngayon wag nyo muna syang i-text or kausapin para lalo sya magulat
Liz o Itog nakalimutan ko na kung sino ang nagsabi sa kanilang dalawa: Wag kang mag-alala di naman namin masyado nakakausap si Shei lately... hehe..
At saan naganap?
![]() |
Chef Laudico's BFast @ Ayala Triangle Gardens, Makati City Source |
Almusal ang aming hapunan (I just love saying that) sa birthday ni Shei!
7pm ang usapan pero syempre, late na naman si Shei.
Liz, alam ko ang nararamdaman mo. More than 10 years na
nating tinitiis ang pagiging late comer ni Shei. =)
Alvin, wag mo silang antayin dumating sa pinto. Mapapagod ka lang =)
|
At dahil patuloy parin kami sa pag-iintay.. habang
nakatengga, PHOTO OPS!
Alvin and Liz |
Itog and Kevin |
Wow, all boys? Nyahahaha |
Ok Fine. Birthday nyo?! |
Bandang mga 730 dumating na sila!
RJ and Shei |
At di kinaya ni Shei ang pasabog kong birthday tiara,
feather boa at pochi garland! Hoy Shei! Umeffort ako dyan kaya kailangan mong
suotin yan!
Shei: Ang Prinsesa ng Pochi at ng Huling Pagdating |
Ang peg ng birthday na ito ay almusal sa hapunan at kung anu-ano
lang! Artistic naman si Shei so kunwari artsy
fartsy ang dinner na ito pero ang totoo – samu’t sari lang!
RJ: Ginawa ko na ang lahat. Late pa rin sya!
Dahil late na dumating ang prinsesa, gutom na ang mga tao kaya
sumugod na sa buffet. Kahit ako nagutom
kaya di ko na nagawang maging food photog. So ang mga nakuha?
My 3rd plate - hoy, konti lang ang laman ng bawat plate ko no.. Tumeric rice, Angus Beef Tapa, Sausage and Ham |
Birthday princess' plate =) - Omelet, Sausage, Ham, Salad, Tumeric Rice and Leche Flan?! Talagang kasabay na ang dessert! |
Desserts - Leche Flan, Suman Panna Cotta and Choco pudding(?) |
Hindi talaga ako pwedeng maging food photographer/blogger!
Sinabi ni Liz kay Shei na pumili ang prinsesa ng gusto nyang
cake. Iniiwasan kasi ni Shei ang kumain ng maraming chocolate dahil inaatake
sya ng Migraine. So sa dinami dami ng cake na naka-display ito ang napunta sa
kanya...
Bakit ba e sa on the
house ang cake na ito, so di na kami kumuha ng iba! Haha. Pero ang ending
ako ang kumain ng ¾ ng cake.. (and the cake eater strikes again... :] )
More photo ops (well my version of photo ops)
Shei with the boys. Sayang wala si Alvin and Kevin. |
So pagkatapos mabusog ng mga tao, kung anu ano na lang ang
naganap..
Pagkatapos mo maghapunan Shei, tatalikuran mo lang kami? Manonood ka lang ng TV?! Yan ba?! Ha! Yan ba?! Isa ka pa RJ!!
Caught in the act! Magbestfriend balak magpalit ng katauhan!
Liz, serious, payag ka? Hehe. Peace Itog =)
Pero huli man daw at magaling ang kalbo ay humabol din! Hehe.
Shei talking to Paolo, ang Canadian naming friend (Oo Canadian na sya para sakin, di na sya Filipino!). Sosyal! fumo-phone patch lang! Sa birthday ko ba gaganyan
ka din Paolo?!
All smiles at the end of it all..
Dear Shei, madalas man ako (or kami) MIA (missing in action)
sa buhay mo, you know naman na meron kang kalalagyan sa mga pusong mamon na ito.
Haha!
Always stay sweet as you are at isa lang naman ang wish namin
para sa yo.. UTANG NA LOOB! Wag ka nang magpaka-late! Magbago ka na! Hehe =)
Shei para sa yo to, Happy na Birthday pa!
No comments:
Post a Comment